DANICA POV Nakapagpaalam na nga kami ni Kate sa naturang restaurant na aming pinagtatrabahuan dito sa Paris, balak ko rin umuwi dahil nais ko'ng tingnan ang bahay kung nasa maayos pa. Pagkarating namin sa airport, tila namataan ko ang paglinga-linga ni Katherine sa paligid. Kinalabit ko siya, nilingon naman niya ako. "May hinahanap ka ba, Kate?" Akmang tanong ko rito. "Hinihintay ko si John" Tumaas ang isang kilay ko. "John?" "Hayan na siya" She exclaimed at masayang sinalubong nang yakap ang lalaking nagngangalang John. "Let's go, Dan" Yayang sabi sa akin ni Kate, wait? hindi ba siya magpapaliwanag sa mga nakikita ko? at wala ba siyang balak na ipakilala sa akin si John? Pagkapasok namin sa eroplano, nasa unahan si John habang magkatabi naman kami ni Kate. "Baka gusto mo nang ma

