KATE POV Habang nasa mga bisig ako ni Mama, hindi ko napigilang hindi maiyak. Sa sobrang sakit ng mga balitang natanggap ko, ang pagkawala pa ni Papa ang pinakamasakit. Sa sobrang sakit halos hindi na ako makahinga dahil sa kaiiyak. "Tahan na, Anak. Mas malulungkot ang Papa mo kapagka nakita ka niyang umiiyak," "Kasalanan ko ito, Ma. S-sana hindi nalang ako nagpahatid sa kanya edi sana buhay pa siya hanggang ngayon. Kasalanan ko ito, Mama..." Napahagulhol na ako sa kaiiyak, halos mamaos na ang boses ko kakasigaw na kasalanan ko ang lahat. "Nak, huwag mo naman sabihin iyan. Wala ka'ng kasalanan hindi ka namin sinisisi at wala kaming sinisi sa nangyari sa Papa mo. Ayaw ng Papa mo na nakikita ka'ng ganito, kaya tahan na. Okay?," Kinulong ni Mama ang mukha ko sa magkabilang palad niya at k

