"Ahh!" galit na sigaw ko habang sunod-sunod na pinagbabaril ang mga boteng nakalinya. Nanginginig ang aking kamay sa sobrang galit, bakit ba kasi hindi na lang nila ibalik sa akin si Ramona? "Conrad! Dumudugo na naman iyong tama mo sa braso," saad ni Manang. "I don't care! Bakit ka ba nandito?" bulyaw ko sabay binaba na muna ang baril. "Nandiyan na kasi iyong Doctor mo," sagot naman nito. "What? Oo nga pala, may schedule nga pala ako ngayon." Sagot ko at inayos ang aking buhok. "Gamutin na muna natin 'yang sugat mo," saad nito sa akin. "Manang gusto ko na makuha si Ramona," diretsong saad ko rito. "Iho bakit mo ba pinipilit iyon? Ayaw ni Ramona sa 'yo, hayaan mo na lang siya." Sagot nito sa akin. Dahil sa sinabi nito ay pinulot ko ang baril at pinagbabaril kung saan-saan habang sum

