Wala kay Eli iyong cellphone niya, agad naman naming ni-locate ang cellphone niya at napag-alaman namin na nasa malayong isla iyon. Tagong isla iyon kaya sigurado kami na pribado iyon, sinubukan naming alamin kung sino ang owner ng isla at nalaman naming nakapangalan iyon kay Conrad Anais. "Malayo iyong isla kaya sigurado akong kailangan niya pa bumiyahe para makapunta rito, ngayon natin nasigurado na sinunsundan niya nga si Ramona." Saad ko sa kanila. "Akala niya siguro may makukuha siya roon, tanga niya lang at hindi niya naisip na i-off ang location para hindi iyon ma-locate." Sagot naman ni Eli. "Sa palagay ko drug user iyang si Conrad, nakita niyo naman iyong lagay ni Ramona noong masagip natin siya 'di ba? Ang dami-dami niyang sugat, at para itong tinorture talaga." Suspetsiya ni

