"Gideon!" "Gideon naman oh," humahagulgol na saad ko habang nasa labas ng silid nito. Si Eli naman ay taimtim din na nananalangin habang nakatingin kay Gideon na ni-re-revive ng mga doctor. Nananakit na naman iyong tama ko sa hita ko pero hindi pa rin ako umuupo, sobra akong nagaalala kay Gideon. "Ramona," saas ni Eli na para bang gulat na gulat. "B-bakit?" nagtatakang tanong ko rito. "Umupo ka muna rito, kailangan na kita ibalik sa silid mo." Sagot nito sa akin. "Pero bakit? Eli okay naman an ako e, ayaw ko na bumalik sa I.C.U." Sagot ko rito. "Oo hindi kita ibabalik doon, dadalhin kita sa private room na para sa inyo ni Gideon kapag nagising na rin siya." Sagot naman nito. "Awe," saad ko sabay napahawak sa balikat ko. Namilog naman ang aking mata nang makitang dumudugo pala 'yon

