Hagulgol at hikbi na ang nagawa ko, wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Alam kong sila iyong kaibigan na nakasama ko e, bakit parang hindi nila ako kilala? "Gideon don't do this to me, may nagawa ba ako? Please sabihin mo sa akin, huwag iyong ganito kasi nasasaktan na ako." Pagmamakaawa ko rito. Lumapit sa akin si Eli sabay pinaharap ako sa kan'ya, ngumiti ito ng bahagya sabay pinunasan ang luha ko. "Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo, pero nagsasabi kami ng totoo. Hindi siya si Gideon, his name is Gino and he's my husband. Ako naman hindi ako si Eli, ako si Keena. Hindi ko alam kung bakit akala mo kami iyang mga sinasabi mo . Kami iyong nakakita sa 'yo noong palutang-lutang ka sa dagat, tinulungan ka namin at dinala sa hospital. Actually honeymoon namin ni Gino 'yon, naki

