Cathy's POV... "Thank you so much b***h! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka!" Hannah before kissing her pamangkin. Hindi naman masiyadong naging pabigat si Hazel. Mapayapa ang tulog nito at hindi kami ginising ng madaling araw. Pero napuyat ako kagabi. Nakakahiya mang aminin pero kasi nasa isang kama kami kagabi. Hindi nga lang kami magkatabi kasi may bata sa gitna namin pero sa sobrang saya ko, hindi ako makatulog kasi ang sarap ding pagmasdan ni Grey eh. "I think hindi ako ang dapat mong pasalamatan" ngumiti ako ng malapad bago lumingon sa pinakagwapong lalaking kilala ko na pababa ang hagdan. Napakagwapo nito sa suot na corporate suit. May hawak itong neck tie sa kamay at paniguradong ako ang magkakabit no'n. "Sinasabi mo bang pasalamatan ko ang gago mong asawa h

