Ako lang ba ito? O sadyang napakaganda ng kalangitan ngayong araw? Alam kong hindi na bago sa paningin ang itsura ng kalangitan ngunit hindi ko akalaing may igaganda pa pala iyon sa aking paningin. Hindi ko akalain na ganito pala iyon kaganda kapag titingnan mo ng matagal. "Uulan kaya? Madilim ang kalangitan ngayon" sabi ni Grey pagkasara ng compartment ng kotse. I pouted while looking at the sky. Anong madilim? Hindi kaya! Kulay bughaw nga sa paningin ko. "Hindi naman siguro. Wala naman naiulat na uulan ngayon" sagot ko at nauna ng pumasok sa loob ng kotse. Luckily, nakalakad ako. I mean, medyo mahapdi pero kaya naman. Pupunta kaming baguio ngayong araw. Napakagandang lugar para icelebrate ang 7th monthsary ano? Gosh! Sobrang lakas ng puso ko sa excitement. Ang dami ng

