"Totoo? Liligawan ka daw?" I looked at Hannah. See? Kahit si Hannah hindi makapaniwala. Kinuwento ko kasi sa kaniya yung ginawa ni Grey nooong isang araw. Kinuha ko ang bote ng soju na nangangalahati na at doon mismo uminom. Ramdam ko ang init nito sa lalamunan pero ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko gustong sirain ang honeymoon nila ni Andrew pero kailangan ko talaga ng karamay ngayon tsaka free accomodation naman sila dito dahil regalo ko sa honeymoon nila kaya siguro pwede paistorbo ng kahit saglit lang. Isa pa, chismosa naman si Hannah. Nasa may buhanginan kami ni Hannah at nakatitig sa magandang karagatan. May tela lang na nakalatag at may mga sitsirya at bote ng soju na nakalagay. "Edi anong sinabi mo?" Tanong ulit ni Hannah. Namamapak lang siya ng sitsirya dahil ayaw niya

