"Miss Balaba, are you listening?" Napapitlag ako nang marinig kong tinawag niya ako kaya napatingin ako sa kaniya at sa paligid.
Shit!
Nakatingin sila sa akin na para bang may mali akong ginawa ngayon sa harapan nila.
"Pardon, sir?" Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang makita ko ang pagtaas ng kilay niya habang nakatingin sa akin.
Umiling siya, "I was calling your name for the nth time. It's for your attendance. Seems like you're preoccupied, Miss Balaba." He said in a stern voice.
Pinigilin ko ang sarili kong mapa-irap sa sinabi niya. Ang hangin rin ng isang ito, e 'no? Sarap sampalin e.
"Sorry, sir. I was just… thinking about something." Sa mahinang boses ay sambit ko.
"I hope that something is more important than listening to your class today." Saad niya sa mababang tono at nagsimula na ulit magtawag ng estudyante para sa attendance.
"Bakit ka ba kasi tulala diyan?" Naiintrigang bulong ni Vea na nasa tabi ko.
"Nothing."
Iyon na ang huli naming pagkikita sa school. Hindi na kasi sila kinukuhang substitute teacher kapag walang teacher sa isang subject, lalo na dahil graduating sila.
Nagpatuloy lang kami hanggang sa matapos ang school year. Palaging nagiging abala kapag matatapos na kaya nakakairita minsan.
Time goes by so fast that I didn't expect that now… I am in my 11th grade in senior highschool and now 17 years old. I'm turning grade 12 this coming enrollment, and turning 18, too. At sa bawat taon na lumilipas, hindi ko namamalayang pati pala pag-uugali ko ay nagbabago na rin. Hindi ko namamalayang sa paglipas ng panahon na hindi ko nakakasama araw araw sina mommy at daddy ay mas lalo akong lumala sa paggastos ng pera at napupunta sa kung saan saan.
Napanguso ako habang nakatingin sa cellphone ko at pinagmamasdan na naman ang bagong labas na branded na bag at isang elegant dress. Problemado akong tumingin kay mommy at tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Please, mommy!" Pagmamakaawa ko dahil ayaw niya akong payagan na bumili na naman.
Napakagastadora ko daw kasi.
"For the nth time, Dane! Please, give it a break! Don't spend too much money for nonsense things! Those bags, you already have plenty of those bags! You haven't used the other bags you bought. You haven't still not using those. The dresses, damn it, Dane! You have plenty of dresses too that you still haven't used. What are those? Huh? You bought those dresses, those bags, those stilettos, those things for nothing? For display? Don't spend too much, Dane! You will be the death of us! You will bankrupt us! You are still 17 years old, yet you spent million of money for those things. Why don't you be like your sister? She's limiting herself on buying too much things she saw in malls and online shops. She's not spending too much because she knew her limitation, but you? You, Dane! You're still young yet you spent a million! Puwede na 'yong panggawa ng mansyon! Oh, gosh! You're too expensive little girl. You are too spoiled! My gosh! Tumataas ang presyon ko sa 'yo na bata ka!" Halos matutop ko ang bibig ko sa sinabi ni mommy.
She looks like she will faint in front of me because too much trouble I caused. But, she's overreacting! Gusto ko lang naman bilhin, I just tried my luck if she will allow me to buy that bag and dress.
"You should be a better person in the future, Dane! Don't waste too much money just for nonsense things you were buying! Don't waste too much money to go everywhere or anywhere you want! Baka mabankrupt tayo!" Muli niyang sigaw at umalis sa harapan ko, kasunod ang isang kasambahay na may dalang pang-blood pressure.
Napabuntimong hininga ako at natulala sa kawalan. Napabaling ako sa tabi ko nang maramdaman kong may umupo. Si Ate 'yon na may simpatya sa mga mata. Ngumit ako sa kaniya at umiling. Ayokong kaawaan niya ako sa mga sinabi ni mommy sa akin. That's way better, though. Dinidisiplina lang niya ako. But still, I can't get what her point is.
"Hey, don't take mom's words too much, okay? I know you're still young and kinda naive, but I know too that you will be a better person on your own in the near future." Bumuntong hininga siya at napailing. "But, honestly speaking, Dane. I don't like you spending too much money just for a bags and dresses that you were buying. You have plenty of that, though. Puwede mo naman sigurong gamitin ang mga 'yon, once in month since you have plenty of that. Maraming klase ng mamahaling bag ang meron ka. You're just collecting it, and not using. Depende nalang kung matipuhan mong gamitin sa mga dinadaluhan nating okasyon. Tama si mommy, dapat ngayon palang matuto ka nang magtipid sa sarili mo. Limitahan mo ang sarili mo sa paggastos nang napakalaki sa isang buwan. You see, mom and dad were spoiling you because they don't want you to collide in them. Ayaw nilang lumayo ang loob mo sa kanila kaya kahit ano ay ginagawa at ibinibigay nila sa 'yo, but still, napupuno rin sila. Hindi sa lahat ng oras, Dane, nasa taas tayo. Kaya kung puwede sana, limitahan mo na ang sarili mo." Napaiwas ako ng tingin kay Ate nang sabihin niya 'yon.
I'm too guilty to look straight at her tantalizing eyes. Hindi ko kayang pagmasdan ang mga mata niyang napakaamo. Sa pamilyang ito, siya ang pinakamaunawain. Siya ang pumapagitna sa amin ni Mommy kapag dinidisiplina nila ako. At siya rin ang kakausap sa akin para patahanin at pagaanin ang loob ko.
"But… I want that… bag, ate. Or kahit 'yung dress nalang sana." Hindi ko naiwasang kumawala ang pagmamakaawa sa boses ko.
Pupunta kami sa kabilang bayan nina Theo at Vea para maggala. Magsu-swimming kami sa isang resort doon. Hindi dagat, kung hindi isang swimming pool talaga. Noong nakaraan kasi ay nag-swimming na kami sa dagat.
Napabuntong hininga siya, suko na sa sinabi ko. "Dane, please. Kahit ngayon lang, sundin mo naman sina mommy sa gusto nila. Sa araw araw na ginaw ang diyo, ikaw ang sinusunod nila, pero ngayon sana sila naman ang sundin mo." Malumanay na pagmamakaawa ni ate sa akin.
Tumango nalang ako at hindi nagsalita.
"Think about what mom and I have said to you. Ayaw naming magsisi ka sa huli." Aniya at tumayo. Nagpaalam na kakausapin si mommy tungkol sa nangyari.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo para umalis sa mansyon. Lalabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Hindi ko alam na mas nakakaboring pala kapag ganito lang ginagawa ko sa buhay. I want something new. I'm entertaining boys my age and giving them a chance to court me. For the past years, I had ten exes. I'm not proud, though. Kasi nagbe-break kami kapag hindi ko na maramdaman 'yung nararamdaman kong excitement noong mga panahon na nanliligaw pa sila sa akin. Ngayon, wala na. Hindi ko na maramdaman.
Ngayon naman na bakasyon na, wala rin akong magawa. Walang boyfriend o kung ano. Gusto kong malibang pero halos lahat na nagawa ko. Halos lahat na napuntahan ko, sa mga karatig bayan at lungsod, napuntahan ko na rin. Kaya hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Vea and her family went abroad for their vacation. Gusto ko rin sana dahil ang huling punta namin sa ibang bansa ay noong 14 years old pa ako. Noong mga panahong hindi pa sobrang busy sina mommy at daddy. Pero ngayon, kulang nalang ay doon na sila matulog. Lalo na kapag harvest sa planta.
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko dahil namalayan ko nalang ang sarili kong lumabas na sa gate ng mansyon. Bumaling ako sa mansyon namin at nakitang wala naman sigurong nakakita sa akin. Wala rin ang guwardiya kaya hindi ako nasita. Hindi kasi ako pinapayagang lumabas kapag walang kasama at walang driver na sasama sa akin. Ngayon, nagawa kong umalis doon nang walang sino mang kasama habang naglalakad sa konkretong daan papunta sa kung saan.
Kahit mainit at tirik ang araw, dahil nga magtatanghali palang, ay nagawa ko pa ring hindi indahin 'yon nang hindi umaarte. Wala naman akong aartehan dahil mag-isa lang ako. Tinanaw ko ang bukirin sa gilid ko, kung saan maraming magsasaka ang nagbibilad sa araw at nagtatanim. May mga palay pang nasa gilid ng daan at ibinibilad. Napapataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang probinsyang kinagisnan ko na. Kinalakhan ko sa lumipas na taon.
Hindi ko namalayan na nakapunta na ako sa plantasyon namin. Malayo ang planta sa mismong mansyon namin kaya hindi ko namalayang ganito kalayo na ang narating ko mula nang lumabas ako sa bahay nang mag-isa. Isang tingin palang mula sa tarangkahan ng planta ay mamamangha ka na.
Flower of Love.
That's the words in the arc of this gate says. Flower of love. Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang ipinangalan nina mommy at daddy sa planta na ito, pero siguro dahil ito ang bunga ng pagsisikap at pagmamahalan nila? Not quite sure, but I think so.
Sumilip ako doon at pinagmasdan ang lawak ng loob mula sa labas.
"Ma'am, bakit po kayo nandito?" Takang tanong ng guwardiya na nasa tarangkahan. Tumingin pa siya sa likod ko kung may kasama ba ako o kung may nakasunod ba sa akin na househelper sa mansyon.
"Uh…" I cleared my throat, "I just want to have a look inside. I'm alone. I'm so bored at our mansion, I want to relax here. May I?" I asked, a bit hopeful.
Hindi kasi talaga ako pinapayagang umalis mag-isa nina mommy.
"Ahm… tatawagan ko lang po si Madame Donilla, ma'am para ma-inform ko sila." Tumango ako. Ayaw nang makipagtalo sa kaniya dahil baka mag-alala rin sina mommy sa akin kapag nalamang wala ako sa mansyon o sa kung saan.
Ilang saglit lang ay bumalik sa gate si Kuya Guard at pinagbuksan ako ng gate.
"Pasok po kayo, ma'am. Gusto niyo po bang magtawag ako ng mag-aassist sa inyo sa loob ng planta?" He's too concerned. Maybe because I am their boss' daughter.
"Ah, no need po, kuya. Kaya ko naman pong mag-isa sa loob. Babalik nalang po ako dito kung may kailangan ako." Ngumiti ako sa kaniya kaya tumango siya at hinayaan na akong pumasok sa loob ng planta.
Amoy ko kaagad ang simoy ng sariwang hangin na nahalinhinan ng amoy ng mga bulaklak sa loob.
Puro berde sa unang tingin sa loob. Pero kapag nakapasok ka na at tuluyan mo nang nakita ang loob ay makikita mo ang iba't ibang uri ng mga bulaklak na nakahilera sa buong planta.
Butterflies and different beautiful flowers all around the plantation. It makes the plantation glamorous yet simple. I look around and saw some workers doing their job to keep the flowers healty. Napangiti ako nang una kong madaanan ay ang hilera ng puting rosas.
It's too pure and relaxing to look at. Umuklo ako at inamoy 'yon. Napapikit ako habang sinisikop ang buhok para hindi malaglag sa harapan ko. Napakabango.
"I would like to pick one, but it will ruin the scenery." Baka kasi pumangit kapag nabawasan ng isa.
Tumingin ako sa paligid at parang wala namang nakakapansin sa akin dito. Pero ayoko pa ring pitasin dahil baka mapagalitan ako o pumangit ang hitsura dahil pantay na pantay halos ang lahat dito. Halatang inaalagaan ng maayos.
"Kung gusto mong pumitas, puwede naman." Napatalon ako sa sobrang gulat nang marinig ang panlalaking boses mula sa hindi kalayuan.
Mabilis akong lumingon doon at napakunot ang noo nang makita kung sino 'yon. So, he's working here, huh? In our plantation.
"Bakit ka nandito?" I still asked innocently.
"Hindi pa ba obvious na nagtatrabaho ako dito?" Iminuwestra niya ang sariling kasuotan bago ang paligid.
He's wearing a dirty white v-neck t-shirt, a black jeans and a black boots full of mud. He looks so dirty. Hindi bagay sa hitsura niya pero ito talaga ang trabaho niya. Madumi.
I almost admire how his looks is. How admirable he is. His tall feature almost made me too small even if I'm tall enough in my age. His tanned skin made him looks downright gorgeous. His jaw, his kissable thin lips, his pointed proud nose, his damn adams apple that's always protruding and his thick eyebrows are all well suited on him. Damn it. I shouldn't complimented him in my mind right now because I don't like him. In fact, I hate who he is. Masyado siyang mayabang. Even his stance, ang yabang! Lalo na noong nagtururo pa siya sa amin noong junior highschool, napakayabang!
Umirap ako, "why are you working here?" Tanong ko sa isang mataray na tono.
"Saan ba dapat ako magtrabaho?" Tanong niya sa isang sarkastikong tono na nagpairita sa akin.
"Alam mo, napakapangit ng ugali mo." Iritado kong sambit na ikinataas ng kilat niya.
His lips were now in a grim line, "sinasabihan mo agad ako niyan kahit hindi mo pa naman ako lubusang kilala." Aniya sa isang matigas na tono.
I grimaced, "no need to know you more because in just one look, I already know that you are like that."
Nabigla ako nang humakbang siya palapit sa akin. Kinain ng malalaki niyang hakbang ang halos limang metrong layo ng pagitan naming dalawa.
"You knew? How could you say so?" s**t!
Halos mangatal ang labi ko habang kagat-kagat ito at nakaiwas ng tingin sa kaniya. "Dahil kahit na ganito lang ang trabaho mo, hindi nawawala 'yang kaseryosohan ng mukha mo. That serious facade is not suitable on you because you're just a mere farmer." Sambit ko nang hindi siya tinitingnan.
"Really?" He scoffed, "bakit? Kapag ba magsasaka o nagtatanim dito sa planta ay kailangan hindi na seryoso ang mukha? Do I need to smile everytime I water the plant? Do I need to laugh everytime I put fertilizer in the mud? Huh? Gano'n ba? Kailangan ba nakangisi ako habang pinipitas ang mga bulaklak tuwing harvest?" He sarcastically said.
"You're too literal thinking! That's not what I meant!" Gusto ko siyang sampalin pero hindi magawa ng mga kamay kong nanghihina at nanlalamig.
What the heck did I say? Who am I to judge him? Napapangunahan na naman ako ng nararamdaman ko. I'm always too straightforward whenever I get pissed at someone or something. At 'yun ang ayaw ko dahil madalas na akong makapanakit ng damdamin kapag gano'n.
"Nagta-trabaho ako ng marangal, Miss Dane. Hindi na roon sakop kung anong hitsura ang meron ako. Kung seryoso o nakakatawa, hindi na 'yon problema sa trabaho ko basta nagagawa ko ng maayos 'yon." Aniya sabay talikod sa akin at kinuha ang regadera bago tuluyang umalis doon.
Saka ko lang nailabas ang malalim na hiningang kanina ko pa ata pinipigilan. Damn him! I really his aura. All of him. I hate it!
Nagpupuyos na nag-martsa ako papunta sa iba pang bahagi ng planta. Na-relax naman ako dahil sa tanawin. Hindi na ulit naalala ang naging alitan namin ng lalaking 'yon. Sana hindi ko na ulit siya makita dito. Napakayabang niya.
Dahil din sa tanawin, nakalimutan ko ng bahagya ang naging pagtatalo namin ni mommy sa mansyon. Paniguradong alam na nila kung nasaan ako at baka mamaya pa ay susunduin na ako ni Kuya Lester, ang driver ko. Hindi na ako magugulat kung tatawagin na ako maya maya lang at sinusundo na. Pauuwiin sa bahay na 'yon at mabo-bored na naman ako.
"Ikaw na naman?" Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang lalaking ito sa hindi na naman kalayuan kung nasaan ang mga sunflower.
"Malamang, dito ako nagtatrabaho. Makikita mo pa rin ako dito kahit anong mangyari. Depende nalang kung gabi, nasa bahay na ako no'n at nagpapahinga." Aniya na ikinasingkit ng mga mata ko at tiningnan siya nang nang-uuri.
"Really?" I probe, "not making out with your girls at that time?" Napatigil siya sa ginagawang pagbubungkal sa lupa nang marinig ang sinabi ko.
A satisfied smile crept in my lips as he slowly rose up and stand proudly. His shirt is now sweaty that made him… a little… nevermind.
Nagtaas ako ng kilay nang makita ang madilim at matiim niyang ekspresyon sa mukha. I feel too small in his dark gaze. I feel like he can seize me anytime and anywhere if he want because of his manly feature. Ilang taon na ba siya? 20? Or 21? I don't really know. I'm not that interested, though. Basta matanda na siya. 'Yun na 'yon.
"Hindi ako katulad ng mga lalaking kakilala mo, Miss Dane. Kung sa 'yo, sa inyo, ayos lang kahit walang ginagawa sa buhay dahil maraming pera, ayos lang kahit saan pumunta at kung sino sino ang kasama, kahit maghayahay kayo sa buhay ayos lang. Sa amin hindi puwede 'yan. Dahil kung papantayan namin ang ginagawa ninyo sa buhay, hindi kami aangat tulad ng mga pinapangarap namin. Hindi kami uunlad kung wala kaming gagawin at hindi magtatrabaho. At oo, hindi mo akong makikita kasama ng mga babae pagkatapos ng trabaho ko dahil tumutulong pa ako sa magulang kong magpasok sa bodega ng mga palay na pinatuyo. Hindi ako kagaya ng mga lalaking iniisip mo. At wala akong girlfriend para maisip mo 'yang mga pinagsasasabi mo." Litanya niya sa isang madilim na ekspresyon.
My heart sank when he said those. I feel so pity to myself because I can't help but judge people without thinking about it.
"Sa susunod, sana pag-isipan mo muna lahat ng sasabihin mo bago mo ilabas at sabihin sa iba. Dahil baka hindi na ako ang susunod mong makaharap, at baka hindi na makapagtimpi 'yon at magalit sa 'yo." Bumuntong hininga siya habang umiiling bago ako tinalikuran at bumalik sa kung ano man ang ginagawa niya kanina.
Tinalikuran ko nalang siya at naiinis na nagmartsa palayo doon. Sa ibang direksyon ako nagpunta, kung saan naroon ang nga tulip. Nilanghap ko ang amoy no'n at napapikit. Ang sarap siguro kung dito kami nanirahan. Hindi sa mansyong 'yon na lagi nalang walang buhay. Kaming dalawa lang palagi ni Ate ang naroon at ang mga kasambahay.
"I really want a house with plenty of flowers in front or in thw backyard." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga tulip na naroon.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula nang maglakad ulit para maglibot. Buti nalang at dala ko ang cellphone ko kaya nakakuha ako ng mga litrato ng iba't ibang bulaklak dito. Napansin kong maraming tawag mula kay ate at kay mommy, dahil siguro umalis ako nang walang paalam. Pero ilang oras na ang nakalipas nang huli silang tumawag, siguro noong tumawag si kuyang guard sa mansyon.
I opened my i********: acc and posted the pictures I took. I also took picture of myself surrounded by the beautiful flowers. I smiled at the camera and click the shutter. My smile fades when I saw who's looking at me from a far.
What the hell is his problem? Why is he looking at me like that? Ayoko nang makipagtalo sa kaniya kaya hindi ko nalang siya papansinin.
Umirap ako at ang tanawin naman ang kinuhanan ng litrato. Naglakad pa ako papuntang muli sa mga sunflower at doon nag-picture. Pati ang sarili ko at kinahanan ko na rin ng picture habang nasa likod ko ang naggagandahang mga sunflower.
"Bakit ka ba nakasunod?!" Inis kong sambit nang mapansing kanina pa siya nakasunod at nakamasid sa akin.
Kahit sabihin mong hindi ako nagpapahalata ng kaba sa mukha ko, sa kaloob looban ko ay naghuhuramentado na ako.
Yumuko siya ng bahagya at nag-angat muli ng tingin sa akin. His lips now in a grim line, "hindi ka pa daw nagtatanghalian. Kinausap ako ni Madame Donilla kanina." aniya sa isang seryosong boses. "Umalis ka daw ng hindi nagpapaalam buti nalang daw ay tumawag ang guwardiya sa mansyon niyo at sabi niya'y hanggang ngayon ay hindi ka pa kumakain. Past 1pm na, kailangan mo nang kumain."
Saka ko lang naalala ngayon na hindi pa nga ako kumakain ng tanghalian. Pero hanggang ngayon ay wala pang sumusundo sa akin. Hindi na rin tumawag si ate sa akin. Siguro ay abala na naman sa ginagawa niya o sa boyfriend niyang si kuya Brigs.
"Wala pa bang sumusundo sa akin?" Imbes ay iyon ang naging tanong ko.
"Wala pa. Bilin ni Madame Donilla na sabihin mo nalang daw sa amin kung magpapasundo ka para makatawag kami sa mansyon niyo. O 'di kaya'y tawagan mo nalang daw si kuya Lester para masundo ka dito." Tumango ako sa sinabi niya.
Right. Tatawagan ko nalang si kuya Lester mamaya para sunduin ako. Dito muna ako para ma-relax ang utak ko kahit papaano.
"Uh… ihahatid kita sa quarter namin, kung saan kami kumakaing mga trabahador. H'wag kang mag-alala dahil malinis doon at hindi mabaho." Inunahan na niya ako sa isasatinig ko sanang reklamo.
Hindi na ako nagsalita at tumango nalang bago sumunod sa kaniya sa sinasabi niyang quarter ng mga trabahador.
Truth to his words, hindi nga mabaho at madumi sa lugar na 'yon. Kulay puti at asul ang nasa paligid, dahilan nang pag-aliwalas ng buong kuwarto. May tatlong mahahabang lamesa at may sampu hanggang labing dalawang upuan ang mayroon bawat lamesa. Ito siguro ang canteen nila.
"Upo ka muna, kukuha lang ako ng kakainin mo. May gusto ka bang specific na ulam o kakainin?" Alangang tanong niya sa akin.
Umiling ako, "anything. And also, I want orange juice and water." Tumango siya at umalis na sa harapan ko para kuhaan ako ng pagkain.