"Good morning, Attorney." Bati ko kay Attorney Reyes nang tumawag siya kinabukasan. Nasa café na ako at nasa loob na ng opisina nang tumawag siya sa akin. Binubuksan ko ang mga emails sa akin at nagre-reply sa iba. Ang iba naman ay hindi ko na nire-reply-an dahil puro advertisement lang ang mayroon. "Good morning, Miss Balaba. I just want to inform you that the papers are already here in my office. You can have it now and sign it." Napaayos ako ng upo at iniwan ang pagtingin sa monitor ng computer ko at napabaling sa ibang direksyon. "Gano'n po ba. Sige po, Attorney. I will be there after lunch. Para na rin maibigay ko na kay Mr. Suarez." Pormal kong sagot sa kaniya. "Oh, siya, sige. May session ako ngayong araw kaya ipapasabi ko na lang sa sekretarya ko para i-assist ka niya mamaya pa

