"Liligawan mo pa rin ako?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik. Hindi kami gaanong nagdidikit sa paglalakad dahil medyo may mga tao na dito. "Oo. Hindi p'wedeng hindi kita liligawan." Seryosong sambit niya. Napanguso ako, "bakit pa kasi liligawan, p'wede naman nang tayo na agad." Napangisi ako nang may maisip. "Alam ko na! Tayo na agad. Sinasagot na kita!" Pabulong kong sambit, sapat lang para marinig niya. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Sinipat ang hitsura ko. Nawala ang ngisi sa mga labi ko nang makitang napakaseryoso niya. Huminga siya nang malalim. "Alam mo ba 'yang mga sinasabi mo? Akala ko ba hindi ka na bata? Bakit ganiyan sinasabi mo." Naiiling niyang sambit pero kalauna'y napangiti na rin. "I can't believe you." Bulong niya. "Sorry. Okay, man

