SIX
Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Ralph kay Gab mula nang sunduin siya nito sa ospital. Nababahala siya. Baka hindi na ito tumupad sa kanilang napag-usapan. Padabog niyang inilapag ang chart nang makarating siya sa Nursing Station. Natahimik ang mga nurse na naroroon dahil sa kanyang inasta.
Hindi man lang nagti-text sa kanya ang binata kung buhay pa ba o baka pinaglalamayan na ito. He’s getting into her nerves. Gusto niya itong tawagan o i-text pero hindi niya maintindihan kung bakit ’pag naroon na siya sa numero ng binata ay napapaatras siya. Baka isipin no’n ay desperada siya. Ano pa ba?
Minessage niya ito sa messenger ng “Hello” pero sineen lang naman siya nito. Tingnan mo nga naman ang ugali ng Attorney na ’yon! Alam ba nito na kinakainisan ng mga babae ang pangsi-seen sa message? Nakakailang anas na siya nang mapansing nasa kanya pala ang atensyon ng mga nurse.
“May problema ba, Gab? Kanina ka pa nagpupuyos sa galit eh,” ani Nurse Kate habang inaayos pa ang suot na salamin habang tinititigan siyang mabuti.
Napayuko siya at nag-iwas ng tingin. “Wala, stressed lang ako sa dami ng pasyente ngayon. Alam n’yo namang toxic.”
“Sa totoo lang, pati ikaw toxic na,” sambit ni Kate sa kanya habang nagpi-peace sign.
“O baka naman LQ kayo ni Attorney Molina? Ayiieee. Balita ko kayo ang loveteam ngayon,” pangungutya naman sa kanya ni Mark na agad nakatikim ng pitik sa bibig mula kay Faye. “Aray naman po!” reklamo nito na hinihimas-himas pa ang labi.
“Puro ka biro. Ni hindi mo pa nga nara-rounds ’yong Room 113, e.”
Napakamot ito ng ulo pagkatapos ay tumalikod para bumalik sa trabaho.
“Pero Gab, kalat na kalat sa ospital ang pagsundo sa ’yo nung sikat na attorney na ’yon. May relasyon ba kayo?” tanong ni Nurse Faye sa kanya, dahilan para bumalik si Mark at makiusyoso.
“Oo nga, Gab. Share mo naman, secret-secret lang naman natin tutal magka-team naman tayo rito,” saad ni Kate kung saan ay nakaakbay si Mark.
Hindi niya alam ang isasagot sa kanila. Kung magsinungaling kaya siya? Wala talaga siyang plano sa ganitong tanungan. Pero hindi ba’t magpapanggap nga silang magkasintahan?
Sasagot na sana siya sa mga nakaabang niyang kasamahan nang bigla na lamang may tumikhim sa kanilang likuran.
Naagaw ni Doc Cherry ang atensyon nilang lahat habang nakatayo ito sa kanilang likuran. “Chismisan? Nagawa n’yo na ba iyong mga naka-assign na trabaho sa inyo? Nakapag-rounds na ba kayo sa mga pasyenteng naka-toka sa inyo? At ikaw naman, Gab. Pasimuno ka rin, e,” sermon nito, at sa isang iglap ay nawala na sa kanyang tabi ang kanyang mga kasama.
“Anong ginawa ko?” tanong niya rito.
“Charot lang!” nakangiting sambit nito nang tuluyang nakaalis ang mga nurse. “Ginawa ko lang naman ’yon para ma-solo kita. You know, talk of the hospital lang naman ang kaibigan ko.” Hinawi nito ang hibla ng kanyang buhok at inayos. “Pero nakita mo na ba ang sandata ng Attorney Molina?” gigil nitong tanong sa kanya.
Napakunot na lamang siya rito. “Sandata?”
“Hello, Gab. Sandata. Kung gaano ba kahaba ’yong—”
“Hindi!” putol niya rito. Napabuga na lamang siya ng hangin.
Napakarumi talaga ng mga tanungan ng babaeng ito.
“Ano ba, Gab. Huwag mo nga isarili iyan. Alam ko namang nakita mo na ang malutong niyang abs! Kailan naging kayo? Mas gwapo pa ang ipinalit mo.” Tumili ito.
Napatakip na lamang siya ng kanyang tainga dahil sa matinis nitong boses.
“Hay nako, hayaan mo na ’yong John na ’yon. Doon na siya sa malanding pok—” Natigilan si Cherry sa pagsasalita. Para ba itong nakakita ng multo kaya’t lumingon siya sa kanyang likod kung saan nakatingin ang kanyang kaibigan.
“Plok, plok, plok . . .” rinig niyang banggit ni Cherry na sa tingin niya ay ang dugtong sa nabitin nitong sinabi kanina. Nag-iwas ito ng tingin.
Si John pala ang nasa kanilang kaharapan. Hindi pa ito nakasuot ng white coat kaya’t panigurado ay kararating lang nito. Masama ang tingin nito sa kanya na tila’y mayroon siyang nagawang kasalanan. Tumitig din siya rito.
Nang makaalis ito ay napabuntonghininga na lamang siya. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya malamang dahilan. Kilala niya si John. Ang mga titig na iyon ay hindi simple. May kahulugan iyon at natatakot siya na baka totoo nga ang kanyang iniisip.
No, hindi niya gagawin ’yon. Masaya na ito sa kung ano man ang pagtataksil na ginawa nito sa kanya. Ano pa ba?
Nagbalik lang siya sa kanyang ulirat nang hawakan siya ni Cherry sa magkabila niyang balikat at alog-alugin. “Hala, Gab. ’Yong tingin niya parang serial killer. Baka narinig niya ’yong sinabi ko—baka papatayin ako no’n, Gab,” nangangambang sabi nito sa kanya.
Napalunok na lamang siya ng laway dahil sa hindi maintindihang pagbilis ng t***k ng kanyang puso.
***
Hinilot niya ang kanyang balikat habang nagpapahinga. Katatapos lang ng kanyang trabaho at nananakit na ang kanyang buong katawan. Para ba siyang binugbog sa sobrang toxic ng kanyang duty. Uso kasi ang sakit na dengue kaya punuan ang ospital. Tinali niya muna ang buhok bago inayos ang gamit para ay makauwi at makapagpahinga na.
Nagtungo siya sa parking lot kung saan ay napag-usapan nilang dalawa ni Cherry na magkita at makikisabay siya rito. Pumasok siya sa elevator at pinindot ang UG. Ilang sandali pa ay tumunog na ito at bumukas.
Napakunot siya nang makita si John na nakatayo sa bungad at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
Hindi niya alam pero bigla na lamang siyang kinabahan. Dinaanan niya lang ito. Ang akala niya ay makakatakas na siya pero nagkakamali siya. Napahinto siya nang may humawak ng kanyang braso. Mahigpit ito at may pwersa.
Napalingon siya rito.
Nagpupuyos ito sa galit.
Napalunok na lamang siya. Nakatingin ito sa kanya at tila hinihintay siyang magsalita. Habol ang paghinga niya dahil kinakabahan na rin siya. “Bitiwan mo ako . . .” Tanging salitang lumabas sa kanyang labi.
Nakita niya ang pagngisi nito. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. “Kaya ba ayaw mong magpagalaw sa akin dahil sa hayop na ’yon?”
“Bitiwan mo ako, John. Nasasaktan ako . . .” mahinahon niyang sabi rito.
“Matagal tayong magkarelasyon, Gab!”
Nagulat siya nang sumigaw ito. Halos manginig na siya sa takot. Pero sa narinig niya, parang nakakainsulto na ipinapalabas nito na siya ang nagloko. “Matagal n’yo na rin akong niloloko ni Joanne. Huwag kang magsalita na akala mo ako ang nagloko! Ang lakas naman ng loob mong kwestyunin ako.” Hindi na siya nakapagtimpi. Bigla na lamang siyang sumabog.
Humalakhak ito nang malakas. Umalingawngaw ang halakhak nito sa parking lot. “Kasalanan mo! Kung nagpagalaw ka, e di sana hindi ako magloloko. Hindi ako maghahanap ng ibang babae para punan ’yong pangangailangan ko na dapat pinupunan mo!” Dinuro siya nito. “Bakit, Gab? Akala mo ba hindi ako nagtataka na sa tuwing niroromansa kita ay umiiwas ka? Bakit? Dahil ba sa gagong ’yon?”
Nag-umpisang tumulo ang kanyang luha. Dahil sa sinasabi ng lalaki sa kanya.
“Magkarelasyon tayo kaya normal lang na gawin natin ’yon. Huwag kang mag-asta na malinis. Maarte ka lang!” Tinulak siya nito sa pader. Malakas iyon at nasaktan siya.
Lumapit ito sa kanya at aktong hahalikan siya. Umiiwas siya sa ginagawa nito sa kanya hanggang nagulat na lamang siya nang sampalin siya nito.
“Punong-puno na ako sa kaartehan mo!” May pwersa na nang hawakan nito ang kanyang dalawang kamay.
“Ano ba, John!” sigaw niya. Hangga’t maari ay umiiwas siya sa paghalik nito sa kanya. “Tulong!”
Nagulat na lamang siya nang may humila rito at pinagsusuntok ito nang malakas hanggang sa bumagsak na sa sahig. Si Ralph iyon na nagtatagis ang mga bagang sa galit.
Napatakip na lamang siya ng bibig gamit ang dalawa niyang kamay nang makitang nagdurugo na ang ilong ni John.
Saka palang dumating ang guard kasabay si Cherry.
“You, Moron,” duro ni Ralph dito. “Don’t fuckin’ touch her!” She immediately embraced him to avoid him from giving another blow to John’s face.
“I will sue you!” sambit naman ni John kasabay ang pagdating ni Joanne na agad na lumapit dito.
“Then do it, tingnan na lang natin kung mananalo ka sa katarantaduhan mo!” Ralph removed her arms around him and dragged her away from the commotion. He assisted her to the front seat of his car, then he walked to the other side.
“I’m—”
“Shut up,” putol nito. He immediately dialed a number on his phone.
“I need you, bro. Sasabihin ko mamaya ang nangyari—Yep, humingi ka ng CCTV footage sa nangyaring gulo sa may parking lot ng St. Fabian Hospital around 8PM. Malakas ang ebidensya—Yes, I know. I’ll hang up now,” sambit nito sa kabilang linya na paniguradong ang kapatid ni Ralph na abogado rin.
“Nadamay ka dahil—”
“I said shut your mouth,” muling putol nito sa kanyang sasabihin.
Is he angry? Hindi niya naman alam na mangyayari iyon. How can she explain her side if she’s being refused to talk about it? She heaved a deep sigh. She felt terribly guilty. Hindi niya alam kung bakit. Dahil siguro sa nangyari na sigurado ay kakalat sa buong ospital.