NINE Kumaway-kaway si Gab sa papaalis na kotse. Inihatid siya ng driver ni Ralph sa condo. Ang plano dapat ay ihahatid siya mismo ng binata, subalit iba talaga kapag kilala kang sikat at magaling na abogado. Pero mas mabuti na rin ’yon. Hindi niya kayang makasama ang binata sa buong byahe lalo na’t may nangyari kagabi. Pagkarating niya sa condo ay nandoon na ang kanyang kapatid. Hindi na siya nagulat. Nalaman kasi nito ang nangyari sa hospital. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo mula sa sofa para siya ay salubungin. Base sa ekspresyon ng kanyang kapatid, nag-aalala ito. “Saan ka natulog?” tanong nito habang inoobserbahan kung may galos ba o sugat ba siya sa katawan. Sa dami ng pwedeng itanong, iyon pa talaga. Sasabihin ba niya ang totoo? O magsinungaling siya ri

