TUMAYO silang lahat para palakpakan si Mrs. Monterde na kakatapos lang ng speech sa birthday nito. She saw in her peripheral sight na nakatingin pa rin sa kanyang gawi ang lalaking ito. Bumaba si Mrs. Monterde at lumapit sa kanilang table. Nilapitan muna nito ang kalapit na kamag-anak bago sa kanila. “Oh, darling!” Gumuhit ang malaking ngiti sa labi nito nang mahagip siya sa paningin nito. Agad itong lumapit sa kanya saka ginawaran siya ng mahigpit na yakap. “No time, no see. I miss you so much darling,” umalis ito sa kanilang pagkayakap saka hinawakan ang kanyang balikat. “I miss you so much din po, Mrs. Monterde.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy siyang nahiya. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? “Look at you now. You look so gorgeous. Bagay na bagay

