Bigla na lamang bumagal ang kanyang mundo nang marinig niya ang isang putok ng baril na umalingawngaw sa paligid. Lumingon siya sa kanyang likod at nakita niya na ang lalakeng mastermind na dumukot sa kanya ay hawak-hawak ang baril at nakatutok sa kanyang gawi. Subalit natakpan ito nang agad itong harangin ni Ralph at yakapin siya. Habang tumatagal ay biglang bumibigat ang yakap ng binata. "Ralph?!" Halos maiyak siya nang mahawakan at makita ng dugo na nanggaling sa likod nito. Inalalayan niya itong makahiga. Inihiga niya ito sa kanyang binti. "Tulongan niyo kami!" Tawag niya sa mga pulis na nagsidatingan. Ang isang pulis naman ay tumawag ng medic na nakaabang na sa labas. "Ralph, sandali lang. Huwag kang pipikit. Idadala kita sa hospital," naiiyak niyang sambit dito. "Please huwag

