Arthur’s Pov:(25years ago)
Ang bilis nang panahon twenty five years na ang lumipas at hanggang ngayon nandito parin kame sa san francisco, napagdesisyunan namin ni grace nung araw na sumunod siya dito na dito na kame magsimula ng bagong buhay bilang isang pamilya. Wala na akong naging balita pa kay Jane at sa panganay ko kaya nag fucos ako sa buhay namin dito sa san franciso naging maayos naman ang takbo nang buhay na meron kame maliban lang sa malamig na pakikitungo ni Grace kay Adam, lagi niyang sinasabi na sinusubukan naman niya pero hindi niya kayang mahalin si Adam bilang anak dahil sa tuwing makikita daw niya si Adam naaalala lang niya kung pano ako nagtaksil sakanya. Hinayaan ko nalang ang mahalaga hindi niya sinasaktan ang anak ko kahit naman anong gawin ko asawa ko parin siya at may responsibilidad ako bilang asawa niya.
"Arthur bakit ba kailangan pa nating bumalik nang Pilipinas?" maayos na ang buhay na meron tayo dito,” inis na tanong ni grace nung sinabi kong kailangan na naming bumalik nang pilipinas.
"Grace alam mo kung ano ang dahilan kung bakit kailangan nating bumalik nang Pilipinas,” kailangan ako nang kumpanya natin dun dahil kung hindi ako uuwi patuloy na lulubog ang kumpanyang matagal kong pinaghirapan,” seryosong sabi ko hindi ko alam kung ano talagang nangyari ang sabi lang sakin ni Jake may nagnakaw sa kumpanya at hindi niya alam kung sino. Hindi ko pwedeng pabayaan ang kumpanyang matagal kong pinaghirapan.
"Bakit hindi nalang si Adam ang hayaan mong umayos ng problema ng kumpanya sa Pilipinas dito ka nalang magfucos sa kumpanya natin na nandito sa San francisco,” inis paring sabi niya kaya tumayo na ako at hindi na tinapos ang pagkain ito na naman kame magtatalo na naman sa mga desisyon na hindi namin mapagkasunduan gustong gusto niyang malayo sakin ang anak ko.
"Hindi ko ibibigay kay Adam ang kumpanya na puro problema Grace aayusin ko muna kung anong problema ng kumpanya saka ko hahayaang si Adam ang mamahala.” seryosong sabi ko saka siya tinalikuran alam ko namang walang patutunguhan tong usapang ito kundi sa away na naman.
"Ang sabihin mo kaya gusto mong bumalik ng Pilipinas para hanapin ang ina ng mga anak mo,” Ako na ang nagsasabi sayo Arthur hindi muna sila mahahanap.” Galit na sigaw niya dahilan para mapatigil ako sa paghakbang at humarap sakanya na masama ang tingin, what did she mean?” May alam ba siya kung bakit hindi ko mahanap si Jane at ang panganay ko.
"What did you say?" may alam kaba kung nasan si Jane at ang panganay ko?” galit na sigaw ko kaya napaatras siya alam niya kung pano ako magalit lalo na pag mga anak ko ang pinag uusapan.
"Wala akong alam Arthur ang ibig kong sabihin pano mo mahahanap ang taong ayaw magpakita akala mo ba hindi ko alam na pinapahanap mo sila,” galit paring sigaw niya kaya hinawakan ko siya sa braso.
"Siguraduhin mo lang na wala ka talagang alam Grace,” salitang binitawan ko sakanya bago siya tuluyang talikuran, sana lang talaga grace wala kang alam kung bakit hindi ko mahanap si Jane at ang panganay ko.
====================================
Adam’s Pov:
Adam Mendoza twenty years old businessman like my dad.” Isa lang naman ang hiling ko yun ay yung maramdaman ang pagmamahal ng isang ina, may nakagisnan naman akong ina yun ay si mommy Grace pero simula pagkabata ko hindi ko naramdamang mahal niya ako hanggang sa nagkaisip ako at sinabi sakin ni dad ang totoo. Kaya pala hindi ko maramdamang mahal ko ni mommy dahil hindi niya ako totoong anak, walang nilihim sakin si dad tungkol sa pagkatao ko lahat sinabi niya tungkol sa nanay ko at sa kakambal ko at kung bakit kame nagkahiwalay,” sometimes i think ano kaya kung hanapin ko ang totoong nanay ko mararamdaman ko kaya yung pagmamahal na hinahanap ko simula bata ako.
"Adam congrats,” its Camille anak ni ninong Fred she's my childhood friend.
"Thank you Camille,” tipid na sagot ko kaya tinaasan niya ako nang kilay. magkabaliktad kame ng ugali ni Camille ako bilang seryosong tao siya naman yung taong lahat yata ng bagay na kayang gawing biro gagawin niya, hindi na ako magtataka ganun din naman si ninong Fred pero pagdating naman sa seryosong usapan maasahan ko naman si Camille dyan.
"My God Adam nadeal mo yung malaking investor pero yang reaction mo talo mo pa nareject.” Sabay irap niya sakin kaya nailing ako i dont know pero nasanay na ako na simpleng bagay nalang sakin yung mga ganung achievements si dad gusto laging i celebrate pero kay mom parang balewala lahat ng achievements na makuha ko ni minsan hindi ko naramdaman na proud siya sakin kahit nga halos nakuha ko na lahat ng awards nung nag aaral palang ako.
"Tara lunch tayo treat mo ako,” sabay hila niya sakin kaya wala akong nagawa kundi sumunod sakanya dahil alam ko naman hindi ako bibitawan ng babaeng to.
"Adam dad told me na babalik na kayo nang Pilipinas,” daldal niya habang kumakain kame kaya napakunot ang nuo ko wala nababanggit sakin si dad tungkol sa pagbalik namin ng pilipinas.
" I dont know wala namang sinabi sakin si dad,” sagot ko ka naka fucos lang sa pagkain, bakit biglaan naman yata ang pagbalik namin ng pilipinas?.
"So pag sinabi sayo ni tito Arthur na babalik na kayo nang pilipinas sasama kaba?" tanong niya kaya napatigil ako sa pagkain at tumingin sakanya saka bumuntong hininga.
"Yes why not kung yun ang gusto ni dad,” tipid na sagot ko saka tinuloy yung pagkain.
"Seriously,” iiwan mo ako dito?" napalakas na boses niya kaya napatingin yung ibang taong kumakain dito sa resto hindi ko alam kung may mga Pilipino din dito at naintindihan yung sinabi niya, kahit naman kasi dito kame sabay lumaki sa san francisco Tagalog parin kame madalas kausapin ng mga magulang namin.
"Lower your voice Camille hindi lang tayo ang tao dito,” seryosong sabi ko kaya napahaba yung nguso niya, sinong mag aakalang isang magaling na business woman tong taong to para siyang bata kung umasta but she's so smart pagdating sa negosyo.
====================================
Andrei’s Pov:
Andrei Mendoza twenty five years old vocalist at guitarist sa isang Banda sa gabi, sa umaga naman sumasideline bilang waiter sa isang coffee shop malapit din sa bar na pinapasukan ko sa gabi para tumugtog. Kailangan kong mag double kayod para samen ni mama ayaw ko na kasi siyang magtrabaho, kaya ako ang gumagawa ng paraan para makaraos kame araw araw. Hindi ako nakapag aral nang kolehiyo dahil wala naman kameng sapat na pera para sa pag aaral ko pero ok lang atleast nakapag tapos ako nang High School at bilang Valedictorian pa. Gusto ko sanang maging isang piloto kaya lang hanggang pangarap nalang yun. Simpleng buhay lang ang meron kame at masaya na ako dun basta kasama ko si mama tungkol naman sa tatay ko wala akong ibang alam kundi nasa kanya ang kambal ko para ipagamot dahil may sakit sa puso. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba silang pareho ang lagi lang sinasabi sakin ni mama mahal ako nang tatay ko pero parang ang hirap naman yatang paniwalaan nun dahil kung mahal niya ako bakit hindi niya ako binalikan ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya.
"Andrei anak pumarito kana kakain na tayo aalis kana naman ng hindi kumakain,” sigaw ni mama na nasa kusina kaya napangiti ako. O diba ano pabang hahanapin ko eh may mama akong laging nag aasikaso sakin at mahal na mahal ako.
"Opo ma nandyan na po,” sagot ko saka kinuha yung gitara ko bago lumabas ng kwarto. Pasalamat nalang ako may sarili kameng bahay kahit maliit lang ang sabi ni mama binili niya daw ito gamit yung perang iniwan ng tatay ko ang pinagtataka ko lang bakit wala na silang komunikasyon pag tinatanong ko si mama ang lagi lang sagot sakin huwag akong mag alala dahil pagdating ng araw hahanapin din ako nang tatay ko my goodness kelan pa kaya yun matanda na ako pero wala parin akong tatay na nakikita.
"Wow my favorite,” saka mabilis dumukot dun sa isdang daing na nasa lamesa kaya natawa si mama.
"Maupo kana nga anak ng makakain ka ng maayos,” tumatawang sabi mama pero ako abala sa pagkain ng daing.
"Ma ito nga po pala yung sweldo ko nung nakaraang buwan bumili kana naman ma ng bago mong damit ha,” sabay abot ko sakanya nung puting sobre na may lamang pera.
"Aanuhin ko naman ang bagong damit anak nandito lang naman ako sa bahay ikaw ang bumili ng bagong damit at sapatos mo,” sagot niya uminom muna ako nang tubig bago magsalita.
"Ma may mga damit pa ako dyan saka alam mo namang mahal na mahal ko tong sapatos ko kaya ayaw kong palitan,” sabay tawa ko kaya natawa din siya sa totoo lang hindi ko ugaling gumastos ng para sa sarili ko sapat na sakin yung may nagagamit ako.
"Uo nga anak eh sa sobrang pagmamahal mo dyan sa sapatos mo malapit nang umiyak yan at sasabihing pagpahingahin mo na ako,” biro ni mama kaya lalo lang akong natawa napuno na naman ng masayang kwentuhan yung almusal naming dalawa.
"Mag iingat Andrei ha lalo na sa pagmamaneho,” bilin ni mama bago ako lumabas ng bahay, may motor kasi akong ginagamit binenta sakin ng kaibigan ko buti nalang may ipon ako nung araw na yun kaya nabili ko malaking tulong din sakin yung may sariling sasakyan.
"Abby tara na.” Sigaw ko sa tapat ng gate ng kapitbahay namin para tawagin ang bestfriend ko na lihim kong minamahal kaya lang nakakatakot dahil may pagka amasona hindi ko alam kung galit ba sa mundo o pinaglihi sa sama ng loob napakaseryoso kasi.
"Tsk ang aga aga nakasigaw ka,” masungit na sabi niya buti nalang nakahelmet na ako dahil kung hindi napakamot ako ng ulo sa maagang pagsusungit niya. Abbygail Torres classmate ko simula elementary hanggang high school tulad hindi na rin siya nakapag aral nang kolehiyo kaya sabay kameng naghanap ng trabaho buti nalang natanggap kameng pareho pero sa gabi lang kame nagkakasama ng trabaho sa resto bar lang na tinutugtugan namin twing gabi kasi mula umaga hanggang gabi sa resto bar ang trabaho niya bilang cashier, ako naman sa coffee shop ang trabaho sa umaga hanggang hapon may dalawang oras naman akong pahinga bago mag simula ang trabaho sa resto bar kaya ayos lang kayang kaya naman para sa amin ni mama.