Hindi alam ni Mari kung imahinasyon lang ba niya o talagang may mga kamay na humahaplos sa kanyang pisngi at may kung anong mainit at malambot na bagay ang dumadampi sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Minulat niya ang kanyang mga mata para malaman kung panaginip ba o totoo ang kanyang nararamdaman. Napa kurap-kurap siya nang sumalubong sa kanya ang mapungay na mga mata ni Mikael na ngayon ay nasa ibabaw niya. "Kael?" gulat na bulalas niya. Ngumiti sa kanya ang lalaki pero hindi umabot sa mga mata nito, hinawakan nito ang kanyang kamay at dinala sa pisngi nito. "How are you? Did you miss me, sweetheart?" masuyong tanong nito at dinala na ngayon sa mga labi nito ang kanyang kamay. Hindi niya alam pero pakiramdam niya iiyak siya ano mang oras, it's been week matapos nagkita sila no

