HINDI alam ni Mari kung ngi-ngiti ba siya o ngi-ngiwi sapagkat natanaw niyang naglalakad patungo sa gawi niya si Chance at sa likod nito ay si Mikael na halatang hindi maganda ang mood. Mukha itong naluging negosyante na ano mang oras ay manghahamon ng away. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok nang magtama ang mga mata nila. Bakit gan'on? Parang mas lalo atang guwapo ang lalaki sa kaniya. Bagay kasi ang new look nito at ang pagka-seryoso ng mukha nito. Napabalik siya sa katawang lupa niya nang bigla na lamang may humapit sa bewang niya at bago pa man siya maka protesta ay lumapat na sa labi niya ang labi ni Chance. "I'm gonna miss you, Honey," bulong ni Chance sa tenga niya matapos nito bitiwan ang labi niya. Habang siya ay tila binuhusan ng malamig na tubig, nakatulalang naka tingin la

