Chapter 10

2020 Words

PAGKAPASOK ni Freya sa loob ng kusina ay nadatnan niya roon si Ylac na nakaupo sa silya sa harapan ng dining table. "Morning." bati niya rito. Dumeretso na siya paglalakad papunta sa may sink. Kinuha niya ang nakasabit na apron at agad niya iyong isinuot. Nagulat na lang si Freya ng biglang nasa tabi na niya si Ylac. Lalo siyang nagulat ng kuhanin nito ang isang ekstrang apron at isinuot din nito iyon. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa mukha nito. "Anong ginagawa mo?" tanong niya rito. Palipat-lipat ang tingin niya sa mukha nito at sa suot nitong apron. Nalaglag na naman ang puso niya nang makita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Teach me to cook." sabi nito. "Huh?" tanging na sabi lang niya. "Turuan mo akong magluto." ulit na wika nito na tinagalog lang naman nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD