Kiara’s POV “Buntis ako, eh, ikaw?” Natulala ako at hindi makasagot. Gusto kong isiping mali ang pagkarinig ko ngunit hindi, malinaw na malinaw ang bawat salitang binigkas nya sa pandinig ko. She’s pregnant… She’s pregnant with Zap’s child. “Hindi ka makasagot?” “You’re lying–” “And would I lie?” “Hindi…” “Saglit lang,” pagkasabi’y tumalikod siya at tinungo ang sala kung saan nakalagay ang isang bag. Inabot niya ito at bumalik sa gawi ko habang may kinukuha mula sa loob ng hawak niyang shoulder bag. Nagulat ako ng bigla niyang binato sa ‘kin ang laman ng bag. Tila naalimpungatan ako sa ginawa niya. Napayuko ako sa paanan ko, sa nalaglag na gamit na binato niya sa ‘kin. Unang tumambad sa mata ko ang hugis pregnancy test kit at ilang papel. Dahan-dahan akong napaupo upang tignan at

