Zap’s POV Pagkabalik namin ng Maynila ay dumiretso kami sa mansion ng mga Arevalo kung saan naghihintay ang mga ninong at ninang, baka naroon na rin ang buong tropa upang ituloy ang celebration ng engagement namin ni Kiara. Pagkarating nga namin ay nakahelera na ang mga pamilyar na sasakyan sa garahe ng mansion. Nauna akong bumaba ng sasakyan at inalalayan si Kiara sa pagbaba. Magkahawak kamay na tinungo namin ang garden ng kanilang mansion kung saan gaganapin ang kasiyahan. Nang marating namin ang bungad ng garden ay pareho kaming nagulat na dalawa sa biglang pagputok ng party poppers. “Congratulations!” Sabay-sabay nilang sigaw. Nandito na nga ang lahat at masayang binati kaming dalawa. Isa-isang nagsilapitan ang mga ninong at ninang upang batiin kami. Isa-isa silang yumakap sa

