Kiara’s POV Halos ‘di ko maibuka ang mga mata pagkagising ko dahil sa pamamaga. Hindi ko alam kung ilang oras lang akong nakatulog. Lumipas ang ilang minuto ay nanatili akong nakadapa sa kama wala akong ganang gumalaw, kumilos, bumangon. Kay bigat ng loob ko, tila sinasaksak ng maikailang ulit ang puso ko. Muli’y tumulo na naman ang panibagong luha sa mga mata ko at muling napahikbi. Binaon ko ang mukha sa unan habang palakas ng palakasang pag-iyak ko. Nahinto ako ng tumunog ang phone ko. Sobra niya ‘kong nasaktan ngunit malaking parte pa rin ng puso kong umaasa na siya itong tumatawag sa ‘kin ngayon. Dali-dali akong bumangon upang kunin ang phone ko, naalala ko kasing binato ‘ko ‘to dahil sa galit na nararamdaman ko kagabi. Nilapitan ko kung saan bumagsak ang cellphone ko. Insak

