ALTHEA POV
Naiwan ako ni Vince sa hapag kainan pumasok sya ngayon sa company nila.
Pinag isipan ko un sinabi nya. May point sya dun, madali lang naman un 6 months kaya magiging mabait muna din ako sa kanya. Matapos kong kumain pumasok na ako sa room namin pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi maganda ang pakiramdam ko, gusto kong makita ang asawa ko, gusto ko na naamoy ko sya hindi ko alam pero kanina pagka gising ko sya na agad ang gusto kong makita.
Nanonood ako ng tv ng narinig ko na tumunog ang phone nya. Tumatawg ang kapatid nya. Maya maya ay unknown number naman. Naisip ko na dalahin to sa opisina nya kaya naman nag liwanag ang mata ko. Paraan lang para makita ko sya.
Pero bago ako makasakay sa kotse ko nakaramdam na naman ako ng pag kahilo. Mas minabuti ko na twagan un driver ng maod nila para ipag maneho ako.
Excited akong makita ang asawa ko. Kaya naman hindi na ako nakapag ayos ng sarili ko. Naka maong short lang ako at t-shirt ng asawa ko na hinubad nya kahapon ang suot ko ngayon dahil gustong gusto ko talaga ang amoy nya. Ang weird pero gumagaan ang pkiramdam ko dito. Pinagtitinginan ako ng mga tauhan nila pero wala akong paki alam. Pipigilan sana ako ng secretary nya sa labas.
" Mam sorry po pero anjan po ang gf ni sir sa loob. May appointment po ba kayo" secretary nya.
Hindi ko sya pinansin at diretso sa paglakad patungo sa office dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko, Vince kiss that girl. Gusto kong maiyak pero pinigil ko. Isinara ko ulit un pinto at hinarap ang secretary nya. Nakita ko sa mata nya ang gulat dahil siguro sa namumula kong mata.
" Dont tell him na pumunta ako dito. " Binigyan ko sya ng mapagpanggap na ngiti.
"Okay Mam, Im sorry po". -secretary
" Okay lang not your fault, hintayin ko na lang sya sa waiting area" paalam ko sa knya.
Maya maya ay nakita ko si Yna at Sheena. Hindi ko sya napansin kanina. Pero binati ko pa rin sya habang hindi ko na lang pinansin si Sheena.
" What are you doing here Thea?" -Yna
" I brought Vince phone. Hintay ko na lang sya dito. May meeting din naman sya kaya siguradong lalabas na din yun." Sabi nya.
Matapos umalis ng magkaibigan sumunod na din ang aking asawa, kita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero andun ung saya, siguro dahil nga sa nag kaayos na sila, gusto ko syang sumbatan pero ayaw kong gumawa ng bagay na magpapakita na magiging desperada ako.
Wife! Youre here" bati nya saken. Kaagad nya akong hinapit sa bewang at sinamantala ko na din ang bawat oras na magiging malambing sya saken.
" Yeaahh I brought your phone. Napansin ko kz na naiwan mo yun phone mo. Kanina pa may tumatawag sayo kaya naman sinunod ko na lang dito. Ahmm do you have a meeting pa ba? " Nakangiti kong bati sa kanya. Pinilit kong ngumiti para lang hindi nya mkita ang sakit na nararamdaman ko.
" Yes uuwe pa sana ako, Kumain ka na ba?" Pag tatanong nya saken. Kaagad naman akong tumango at sumama sa kanya para kumain kami. Kung matatawag ba tong date, hindi ko alam.
Pagkatapos namin kumain kaagad akong pumunta kay Yex, gusto kong mag labas ng sama ng loob, why do i feel this for pe**sa**.
Masyado akong nahuhulog kay Vince.
Habang nag uusap kami ni Yex bigla na lang akong naduwal sa amoy niya at nahilo, hindi ko alam pero bigla na lang dumilim ang buong paligid.
Nagising na lang ako sa tama ng sikat ng araw, hindi pamilyar ang design ng kuwarto kaya naman nag madali ako sa pagbangon para lang umuwe pero nahilo pa rin ako. Bigla naman pumasok si Faith sa kuwarto. Medyo malaki na ang tyan nito, napahawak din ako sa tyan ko. Napansin kong tumataba ako. Kaya nagpahatid ako kay Yex sa hospital matapos namin mag agahan.
Nagulat ako sa sinabi ng dra pero mas nagulat ako sa nalaman ko kay Yex. So kaya pala sobrang pamilyar ng amoy nya nung gabing un siya pala talaga ang kasama ko at hindi si Yex. Nakakhiya ako kanina sa harap no Yex pero nangingibabaw saken ung saya dahil may baby na kami Vince. Iingatan ko to kahit masakit ang katotohanang may ibang mahal ang asawa ko at mukhang nagiging maayos na sila ngayon hindi ako hahadlang. Magiging isang kaibigan ako sa kanya hanggang sa huli.
Matapos namin sa hospital hinatid na ako ni Yex sa bahay. Nagmamadali din sya dahil kelangan sya ng asawa nya.
Excited ako sa pagdating ng asawa ko. Kahit ngayon lang susubukan ko na maging maayos ang pagsasama namin.
Habang hinihintay ko sya sinubukan ko talagang magluto.
"Youre here, Im sorry. Di ako marunong magluto!" Mahina kong pagbati sa kanya dahil nahihiya ako.
" Sobrang pinaghirapan mo yan kaya kahit anu pa yan kakainin ko yan.hmmmn wife " niyakap ko sya sa sobra kong tuwa at dahil sobrang miss ko na siya. Hindi ko namalayan na mahigpit na pala ang pagkakayakap ko.
" Ehemm nagiging malambing na yata ang wife ko saken ahh. Hmmmn baka naman naiinlove ka na din saken" sumimangot naman ako ng pakunwari.
" Hmmn sira. Hindi mangyayari yan. Im trying to be nice as your friend Mr. Madrigal, so dont forget it. Okay" sabi ko na may kasamang kutos sa noo ko at ngiting napaka tamis.
" Awtts ha. Okay Mrs. Madrigal my wife COPY PO tatandaan ko yan! " Biro niyang sagot sa akin.
Mas ginusto ko na kumain ng kanin na may gatas. Masrap kaya at ang asawa ko naman ay napilitang iulam ang niluto kong puro sunog.
Naisip ko din n hindi muna sabihin kay Vince na buntis ako. Isusurprise ko na lang sya sa 1st month namin bilang mag asawa.
Nagkulitan muna kami bago natulog. Nagkuwentuhan habang nakahiga kami at nakaunan naman ako sa mga braso nya. Ayaw ko ng matapos tong oras na ito. Mas minamahal ko sya pag nararamdman ko un sweetness nya s katawan nya. Lalo na pag hinahalikan nya ako sa noo ramdam ko un pag galang nya saken bilang babae. Alam ko naman nag pipigil lang sya.
Nagising ako kinabukasan na wala na si Vince kaagad ko syang hinanap at natagpuan to sa may kusin habang nag luluto ay pinanood ko sya. Mas gusto ko un ganito ko, ayaw ko ng hindi sya naamoy o nkikita.
Matapos naming kumain I insist na ako na ang maghuhugas ng plato, habang hinihintay ko syang matapos sa paliligo nakaramdam ako ng antok, kasama na siguro to sa paglilihi ko. Masyadong madami un nakain ko kanina. Humiga ako sa sofa at pumikit. Tuluyan ng nawala un isip ko na ihatid hanggang gate ang asawa ko para s pag pasok nya s trabaho.
Nagising na lang ako na nasa malambot na higaan na ako. Napa bangon ako ng mabilis at napatingin sa orasan, nakita kong mag aalas dos na pala, mabilis kong inayos ang sarili ko pero bago ako makalabas ng cr nakaramdam ako ng hilo at pananakit ng puson. Ako lang ang tao dito sa bahay ngayon kaya mabilis ko kinuha ang phone at sinubukan tawagan si Vince pero boses ni Sheena ang tanging nadinig ko. Madali ko tong pinatay at nagpasya tawagan na lang si Yex mas tumindi ang sakit ng puson ko sa sobrang inis ko siguro at maya maya lang ay nag blanko na ang aking paligid habang nakaupo ako sa aking kama.
.. YEXELL P.O.V
"HEY THEA IM ON MY WAY, JUST CALM DOWN. ILL BE THERE IN A MINUTE"..
Hanggang sa pgbagsak na lang ng isang bagay ang nadinig ko galing sa linya ni Thea. Kasama ko si Vince ngayon para sana sa meet up ng grupo sa aming pinaplanong resort. Magkasunod ang aming sasakyan kaya sinenyasan ko na lang ito na mag u-turn dahil di ko sya makontak.
Huminto kami sa harap ng Condominium ni Vince, takang taka siya at hindi na nasagot pa ang tanong nito dahil sa pag mamadali ko at sa labis na pag aalala.
" Hurry up bud, Thea is calling. She's not okay!" Dun lang nagmadali din ng takbo si Vince.
Mabilis kami nakaakyat, nakahinga naman ako ng maluwag dahil siguro sa celphone nya lang ang nahulog. I know shes pregnant pero mukhang wala pang alam ang asawa nya. Nakakatawa lang isipin na inakala ni Thea ako ang nakagalaw sa kanya nung gabi lasing na lasing sya.
Tumawag na lang ako sa Dr. Nya at sinabi na ok lang daw yun mas mabuti daw na papaghingahin muna si Thea.
Nakikita ko na litong lito pa rin si Vince sa nangyayari. Marahil nagtataka kung bakit ako nag aalala ng ganito.
Maya maya lang ay may nag doorbell, pareho kami napatingin ni Vince sa isat isa.
Nagulat kami ng pag bukas ko ng pinto ay si Sheena ang syang bumungad.
Mabilis din naman nakaiwas si Vince sa pag halik na ggawin sa kanya ng babae.
Maya maya pa ay nag paalam na ako. At iniwan ko silang tatlo dun dahil mukhang may sasabihin din si Sheena dito.
.. SHEENA P.O.V
Dumating ako sa opisina ni Vincent pero hinaharang ako ng secretary nya at sinasabi na wala daw dun ang boss niya pero di ako naniwala kaya naman nag pilit ako makapasok sinilip ko kung may tao s loob ng c.r pero andun lang un phone nya na nag riring. Kaagad ko to sinagot ng nakita ko kung sinong tumatawag.
" Yes hello! Anung kelangan mo, nakakaabala ka samen dalwa. Better to tell kung anung sasabihin ----..."
Pinutol na ni Thea ang tawag kaya naman nagpakawala ako ng isang magandang ngiti.
" Maaring nakasal kayo, pero babawiin ko sya sayo " kausap ko sa aking sarili.
Nagdesisyon akong hintayin sya sa loob ng opisina pero makalipas ang dalwang oras walang dumating. Minabuti kong puntahan na lang sya sa bahay nila para isurprised ang nag fefeeling nyang asawa pero ako pla masusurpresa.
Dire diretso akong pumasok sa condominium nya, matapos kong makasalubong si Yexell sa mismong pinto ng room nila.
.. ALTHEA P.O.V
Naramdaman ko naman na may nag uusap sa salas dahil nakaawang ang pinto ng kuwarto namin. Alam ko si Vince ung lalaki at nakita ko si Sheena ang babae.
Nag pasya ako lumabas sa kuwarto at nakita ko ang gulat ni Vince marahil dahil sa naabutan ko silang dalawa ng babae nya.
Nakaramdam na naman ako ng hilo ng lalampasan ko sana sila. Napansin naman agad to ni Vince kaya inalalayan nya ako.
Naupo ako sa sofa at tiningnan sya ng may talim sa mata.
"Can we talk? Yung tayo lang sana may sasabihin lang ako sayo."
Nakiusap naman sya kay Sheena na umuwe na lang muna kaya ng kami na lang dalwa ay mabilis syang lumapit saken. Nakita ko ang pag aalala nya.
"L-let ------....." Pag uumpisa nyang paliwanag pero hndi ko na sya pinatapos.
" No. Nothing to worry, in fact ako un dapat may ipaliwanag." Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi bago nagsalita upang mapigil ang kaba sa aking sasabihin.
"Immm pregnant at Yex ang ama. Imm sorry Vince but im inlove with Yex kaya di ko mapigilan ng may ngyari samen." Pinakiramdaman ko sya dahil kitang kita ko un gulat sa kanyabg mata, inaasahan ko sasaktan nya ako pero nanatili lang syang tahimik.
" I and Yex decided na ipagpatuloy tong baby of course ung magkasama kami, and i hope maintindihan mo un!" Nanatili pa rin syang tulala na nakatingin saken.
Habang kinuha ko naman sa loob ng kuwarto ang hinanda ko annulment paper na may pirma ko para kung sakaling gusto nya ng pakasalan ang babaeng mahal nya ay magagawa nya na.
Diniretso ko ang kuwarto namin matapos ko ipaliwanag ang detalye na gusto kong mangyari, w/out his consent aalis na ako at mas pipiliin palakihin ang baby ng ako lamang.
Alam kong magiging masaya sya, iniiyak ko ang lahat ng gabing un habang ipinaayos ko kay kuya ang papeles ko patungong New York. Mabilis ko siyang tinawagan kanina para makaalis na. Dahil sa ayaw kong maging miserable ako pag kasama ko si Vince dahil lang sa alam kong nagiging hadlang ako sa kanila at ayaw ko din na pinipilit lang ni Vince ang damdamin nya para lang sa mamanahin nya. Alam ko din naman na kahit anung sabihin at ipakita nya saken pagmamahal, isa lang yun sa kelangan nyang gampanan.
Kinabukasan maaga kong nilisan ang condo unit ni Vince, wala akong nakitang anino nya pero nag iwan ako ng isang sulat.