ALTHEA POV
Nagulat ako sa sinabi ni Vincent. Nakunan siya at kelangan niya si Vince. Bigla ay nakaramdam ako ng guilty. Dapat pala na ipahiram ko muna ang mahal ko. Ayaw ko maging selfish sa oras na to, dahil kahit may nagawa siya nun mali saken, sa kwento pa lang ni Vince sobra sobrang pagdamay at pag bawibang ginawa niya dito. Para lang makabangom dahil sa kagagawan ko din.
Matapos kong madinig ang mga paliwanag niya. Nagpasya akong magpalakas na, para naman mabisita namin si Sheena at mabigyan din ng oras ni Vince ang kaibigan niya.
Nanuod kami sa ngayon ng movie habang kumakain ng pizza. Tinitigan ko ang mukha niya. At napansin ko ang maganda niyang mata. Mas lalo pa siyang gumuwapo.
Natanong ko tuloy ung sarili ko ano kayang nagustuhan nito saken. Samantalang nung kabataan namin ay kung sino sinong lalaki ang nakikita niyang kahalikan ko. Madalas pa na naabutan niya akong nakikipag make out sa mga naka flings ko dati. Akala ko talaga nun napipilitan lang siya.
Pero matapos ng mga nalaman ko at sa nabasa ko sa sulat ni Sheena saken. Dun ko napatunayan kung gaano ako kamahal ni Vince.
Nagdaan ang mga buwan at manganganak na ako. Ako lang mag isa sa unit ko dahil kinelangan ni Vince na pumunta sa company nila for emergency. Si Joy naman na katulong namin ay kasama ni Vienna sa School niya.
May nag doorbell at nagmadali akong buksan to dahil sa akala kong si Vince na ito pero hindi pala. Nagulat ako na ang Mommy ni Vince ang nasa labas, hindi sila nagpasabi na pupunta siya dito. Halata ang pamamaga ng mata niya at pamumutla.
"Mommy pasok po."
Pumasok naman siya at inalalayan niya ako na makaupo. Nakaramdam ako ng kaba, kanina lang hindi ako mapakali at laging hinihintay si Vince tapos ngayon hindi ko alam pero abot abot ang kaba sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
" Anak wag ka sana mabibigla sa sasabihin ko sayo. " -Mom
" Ano po yun Mom?" puno ng pagtataka kung bakit umiiyak si Mom.
" Ang kuya mo at ang anak nya. Kritikal ang kondisyon ngayon. Nasa---p...wtffffff------" hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Mom dahil sa pag aalala ko. Naramdaman ko na lang na ang pag patak ng luha ko at pag guhit ng sakit sa dibdib at sa may puson.
Hanggang sa nagdilim na lamang ang nasa aking paligid.
Nakarinig ako ng pag uusap habang nakapikit ang aking mga mata.
" Mommy magiging okay din si Thea. Kayo na muna ang bahala kay baby Clark at Vienna. Kakayanin niya to para samen ng mga anak at ng kuya niya. Dont worry." rinig kong sabi ni Vince.
" Vince." Pagtawag ko sa kanya sa namamaos na salita.
Kaagad naman akong nilapitan ni Mommy at Vince.
"Baby. Thanks God youre okay."
" Kelangan kong makita si Kuya at si Vy. What happened to them is their okay? " tarantang tanong ko sa kanila. Nakalimutan ko ung kalagayan ko at napansin ko lamang na magaan ang aking tiyan at medyo masakit na parang may sugat.
" Anak calm down. Okay. Kelangan mong maging malakas para sa mga anak at sa kuya mo." -mommy
" waitt asan ang baby ko? anung nangyare?" takang tanong ko ulit sa kanila.
" Kinelangan mong I-cs nung nawalan ka ng malay at dahil sa bleeding na nangyare sayo pero ligtas man si baby ay kelangan mong mag pagamot sa america." Vince
" Kaya ko naman na Vince. Ang kelangan ko ngayon ay makita ang anak ko at sina kuya."
" Sure baby. Kainin mo muna tong hinanda ni Mom para sayo.. Maya maya lang ay dadating na si Dad kasama si Baby naten.
Mabilis kong inubos ang pagkain na hinain ni Vincent. Maya maya lang ay nagbukas ang pinto habang karga karga ng Daddy ni Vince ang baby namin.
"Hello baby. Ako ang iyong Mommy."
Naging emosyonal ako dahil kahawig na agad eto ni Vince. Nakuha nito ang nipis at pula ng labi ng Dad niya pati na rin ang ilong.
Nataranta naman si Vince dahil sa nakita niyang pag iyak ko. Kaya tinawanan ko siya.
Masarap sa pakiramdam ung ganito. Pero nalungkot ako sa nalaman kong balita sa pamilya ni Kuya. Kelangan ko muna sila iwan sa ganitong sitwasyon para sa mag aama ko.
Magpapagaling agad ako. Gusto ko man isama ang dlawa sa New York ay ayaw naman pumayag ni Vince at ng Mom niya.