Chapter 5: Welcome Party

1765 Words
Meira High: Guild Venia's Party BUMALIK na kami sa guild house. Nag-uumpisa na ang mga sophomores, juniors and seniors na mag decorate ng guild hall para i-welcome kami sa guild Venia. Nakaka-touch talaga... may ganito pa sila. Oras na ng party at halos lahat ng mga student from guild Venia ay naroroon. May mga nakilala na rin akong mga higher year. Pero sa sobrang dami nilang nagpakilala sa akin, nakalimutan ko na ang pangalan nila. I admit, I am not good at names. Mukha kaya ko pa marecognize. "Hi, ladies." Bati ni Rave sa amin. Tapos nilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Yuuka at ng wika. "May I have this dance?" Sumama naman si Yuuka kay Rave. Bagay sila. "Hoy Fabio. Isayaw mo naman ako!" Sabi naman ni Riku kay Fabio at parang nagulat naman itong si Fabio kasi ang babae pa ang nag-aya sa kanya. "A ― ano kasi, hindi ako marunong sumayaw." "Okay lang 'yan. Basta isayaw mo ako. Sige na." "O, sige." Kinuha ni Fabio ang kamay ni Riku at noong naglakad na sila lumingon sa akin si Riku at sinenyasan ako na magsayaw din daw kami ni Mr. Sungit na hindi ko pa rin alam ang name. Umiling ako sa kanya. Mayroon naman nagyaya sa akin na sumayaw. Laking gulat ko na si kuya Duncan iyon. "Anya, magsayaw tayo." "A ― ako? Nako kuya hindi ako marunong sumayaw e." "Ayos lang ako bahala sa 'yo." Binigay ko naman ang kamay ko sa kanya, dahil 'yung kamay niya kanina pang nakalahad. Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin ang offer niya. "I am so happy and honoured na makasayaw ka, kuya." Sabi ko sa kanya at kinakabahan ako kasi baka matapakan ko siya. "Ako rin, Anya." Nakangiti niyang sinabi. At nag- blush ako. Nako, ang guwapo niya kasi mukha siyang Korean model. I can clearly see those pale charcoal eyes. Maganda rin ang tindig ng katawan niya feeling ko nag we-weights siya. Masaya kaming nagsayaw sa saliw ng musika na pang waltz. Hindi talaga ako marunong pero nadadala niya ako. Masayang-masaya talaga ako. Huminto ang musika at nag- intermission muna ang DJ "Guild Venia! Let me hear you scream!" The DJ announced and he cast a spell like fireworks in the air. Namangha ako sa ganda ng ginawa niya, kaya ko rin kaya iyon? "That DJ is a 'Fire bender' like me." Sigaw ni kuya Duncan sa akin. "Ahhhhh― " Tumango-tango lang ako. Naghiyawan ang mga students at sabay patugtog ng malakas na hip-hop song. Maligayang sumayaw kaming lahat sa indak ng tugtog. Mr. Sungit ANYA... Anya ang kanyang avatar name na napili. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko siyang makasayaw? Pinapangunahan ako ng pagka-kaba kapag malapit siya sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa babaeng 'yan bakit kada-malapit siya... may kung anong― ah, basta iba ang pakiramdam ko sa kanya. Pero, I find her interesting. She has black wavy hair sa dulo and her sinfully attractive chocolate brown eyes. Oh no! Erase! To be honest, heto ang una kong pakikihalubilo sa mga tao. Nakatira kasi ako sa isang mansion na kasama ang uncle ko. Siya ang nagpalaki sa akin. My mom and dad, they are from another dimension that is why I have great power. I can bend the Air. The wind speaks to me... I can feel, hear and see everything inside in this room by the help of the wind― I am clairvoyant as well. Nagtama nanaman ang mga mata namin nang tumingin siya sa gawi ko. Ano ba? Lalo ako nagiging interesado sa 'yo Anya. Pero ang pinaka ayaw ko sa lahat at kinukutuban talaga ako sa isang tao rito, at sana maging tama rin ang hinala ko. Ibang-iba kasi ang kanyang aura hindi ko ito gusto. Walang iba kung hindi ang kasayaw ni Anya. Si Duncan. Lalo na't sa nakikita ko ngayon na magkasayaw sila. Alam ko may ibang pakay itong Duncan na ito at nararamdaman ko na hindi ito maganda. Malalaman ko rin 'yon kaya humanda ka Duncan. "Hi, ikaw ba si Liam?" Tanong sa akin ng isang babae, may kasama siyang isa pa. I just look at them in trance, hindi ko na sila in-entertain pagkatapos kong ubusin ang juice ko― umalis na ako at iniwan sila. Narinig ko pa na sambit niya. "Ang sungit naman!" Masungit talaga ako. Lalo na sa mga taong hindi ko kilala. They are just a waste of time. Huminto na ang music at nagumpisa nang magtalumpati ang Guild House Master na si teacher Darcy. "Hello... sound check―" umingay 'yung mic kaya nilayo niya ito sa kanya. Nang mawala 'yung nakakangilong ingay, nagsalita na muli siya. "Good evening Guild Venia!" He said in a manly voice. Nagpalakpakan ang mga naroroon. Ayaw ko talaga ng mga ganitong maingay. Kaya lumabas na ako. Anya's POV Pumalakpak din ako, nang magpalakpakan ang lahat. "Let's welcome our 6 freshmen." Umilaw ang katawan ko. Isang magic na parang spotlight at nag gi-glittered ito. Nagpalakpakan silang lahat. At pinalibutan kami ng mga students na naroroon. Sobrang overlwhelm ang nararamdaman ng puso ko dahil tinanggap nila ako kahit hindi ko pa alam ang aking powers. "Freshmen, we want to welcome you on stage." Sabi ni Teacher Darcy. Nagtaka ako, kulang kami. Nako wala si others este Mr. Sungit― ay ewan! Hinayaan ko nalang. Nasa stage na kami. Wala man lang nakapansin na kulang kami. Anim na nga lang kami e. Tumayo lang kami sa stage habang pinapalakpakan ng mga ka-guild namin. Nang matuon ang atensyon ko sa palakpakan ng mga aka-guild ko at laking gulat ko nasa tabi ko na si Mr. Sungit. "Na-miss mo ba ako?" nagsalita nanaman siya sa aking isipan. At 'wag ka, ang yabang lang. Na-miss daw?! Lelang mo utot! Sabi ko sa isipan ko at sinamaan ko siya ng tingin. Sabay akong umiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko kahit hindi ako nakatingin sinusulyapan niya ako. Palibhasa ngayon lang nakakita ng diyosa ng kagandahan. Mga weird kasi ng mga tao rito kaya angat ang kagandahan ko sa school na 'to. Ang confident ko ba? Push ko na nga ito. Nag-announce naman si teacher Darcy. "This party is also a guild initiation. Nilahad ni teacher Darcy 'yung kamay niya at biglang may nag-ilaw sa badang gilid ng stage. Mayroong dalawang student na may dalang box na mahaba. Nang makarating sila sa itaas ng stage― inilapag nila ang box sa lamesa na malapit sa gawi ni teacher. Binuksan ni teacher Darcy 'yung box at kinuha ang laman nito at laking gulat ko isa itong― ESPADA. Isang espada na may parang aura ang grip handle nito pati blades niya. Sa harapan namin mayroon isang kurtina na purple ang kulay at may mga gold linings ito. Parang may laman ito sa loob, at noong hinila ni teacher ang lubid tumaas ang tela at laking gulat ko ang tumambad sa aking harapan. I... i... isang... KAWALI―! Kawaling malaki na puwedeng paglutuan ng tao. Ano 'to... lulutuin na ba kami―?! Napaatras ako 'yung nakita ko ang mga bagay na nasa harapan ko. Ano'ng gagawin niya sa amin? Pero bakit 'yung mga kasamahan ko hindi sila natatakot? Sa kakaatras ko hindi ko napansin na malapit na pala ako sa dulo ng stage at mahuhulog na ako. "Careful―!" Hawak-hawak niya ang kamay ko. At hinigit niya ako papunta sa kanya. Napahawak ako sa kanyang balikat. Nagtama nanaman ang mga mata namin. Oh please can someone help me... I can't breathe. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ano'ng nangyayari? Kung puwede lang mahimatay ng puso kanina pa nangyari 'yon. What the fudge is happening?! Nakaka-hypnotize ang mga titig niya. "Nice naman. Puwedeng Popoy at Basha." Pang-asar ni Rave. Siniko naman siya ni Yuuka. Nang marinig namin ang boses ni Rave. Parehas kaming kumalas sa isa't isa. "Anya, okay ka lang ba?" Tanong ni teacher. "Opo." Matipid na sagot ko at yumuko ako. Kasi feeling ko nag-ba-blush ako hindi lang sa nangyari sa amin ni Mr. Sungit kung 'di dahil din sa kahihiyan. Ang engot ko kasi. Naririnig ko ang mga bulungan at pagtatawanan ng mga students. Nakahihiya ka talaga Annica kahit kailan. "Pasensya na wrong instrument. Sino ba kasi naglagay ng KAWALI rito?!" Lalong lumakas ang mga ugong ng boses ng mga estudyanteng nasa loob ng bulwagan. Magkakaiba ang mga reaksyon ng mga mukha nila. Mayroong humahagalpak na sa tawa, yung iba nagbubulong-bulungan, at 'yung iba naman nanunuod pa rin mga walang pakialam. Teacher Darcy sighs in annoyance. Hinila niya muli ang lubid bumaba 'yung tela na nakaharang sa kawali. Nang hinila niya muli ito pataas, isang carpet ang pumalit sa kawali na may logo ng dragon at parang nakabalibot ang katawan nito sa isang crystal ball. "O siya! Simulan na natin ang initiation." Teacher Darcy announced. Nakakatakot naman kasi 'yon akala ko lulutuin na kami at kakainin. Bakit ba may ganito pa? Ang buong akala ko welcome party lang ito para sa amin. "Ang initiation na 'to ay mga guild ranks and also, for your position in every guild wars. Ang scimitar na ito ang magde-determine kung saan ang mga position niyo. Since wala pa kayong guild war experience, set-aside muna natin ang rank. Position muna tayo." Excited na pumunta si Rave sa may carpet. Lumuhod siya rito. Nanlamig naman ang mga kamay ko. Bigla itong uminit nang maramdaman ko na pasimple akong hinawakan ni Mr. Sungit sa kamay. Tiningnan ko siya ng masama at kinalas ko ang pag-kakahawak niya sa kamay ko. Pinatong ni teacher ng bahagya sa ulo ni Rave ang scimitar nagliwanag ito at may markings na nakasulat sa may blade nito. Tapos inan-ounce ni teacher ang position ni Rave. "Party Attackers―!" "Yes!" Tuwang-tuwa na sinabi ni Rave. Natapos na 'yung apat Fabio- Mid Attacks Riku- Support Attacks Yuuka- Support Attacks. Nang kami na ni Mr. Sungit. Binalik na ni teacher 'yung scimitar sa lalagyanan. Nagprotesta naman ako na bakit kami wala 'yung magical na ka-ek-ek-an? "Sir, kami po?" Turo ko sa amin. "Ang mga Templars are always the protector of the talisman. Automatic na 'yon kaya hindi na kayo ipo-position sa mga battles. You can be anywhere. 'Di ba nga rare ang class niyo." Teacher Darcy recited then he winked at us. Ang dami ko pa rin talagang tanong sa aking sarili. Pero malay niyo. Kapag tumagal ma-digest ko rin lahat ng mga nangyayari. For now, I need to focus on what my power is. This is a magic school. I guess I have powers too. Ano kayang element ang nako-control ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD