Meira High: Forest war INIISIP ko pa lang na sasapitin ng Meira High, ang nangyari sa Shaeres Elluna. Natatakot na ako. Paano pa kapag nangyari na ito? Nandito pa rin kaming lahat sa gubat. Tahimik kaming lahat. Ang tanging maririnig lang ay ang pagaspas ng mga sanga ng mga puno na nakapalibot sa amin. At ang huni ng mga insekto. Bawat isa sa amin ay iniisip ang sinabi ni Paul. Siguro’y naguguluhan din ang mga kasama ko. Kahit ako, ang dami kong iniisip. Pero kailangan kong maging mahinahon at linawin ang pag-iisip ko. Sa gitna ng katahimikan; may narinig kaming ingay sa likuran ko na parang mga taong nagtatakbuhan. Magkaharapan kami ni Paul, habang siya nakasandal sa puno. "Anya, stay away from him." Sabi ni Aiden. Naging bukas ang isip naming lahat. Naramdaman ko 'yon. ‘Caus

