Meira HIgh: Doppelganger Sobrang lamig ng simoy ng hangin dito. Nanginging ang katawan ko kahit makakapal ang mga panglamig namin, pumapasok pa rin ang lamig sa katawan. Pilit kong iniihipan ang kamay ko at kinukuskos para uminit. "Saan tayo kanan o kaliwa?" tanong ni Chace. "Ano kaya kung maghiwalay tayo?" suggestion ni Rave. "That's not a good idea. Kailangan magkakasama tayo," sabi ni Aiden. "Tama. Magkakasama tayong pumunta dito. Magkakasama rin dapat tayo makakabalik sa Meira High," pagsasang- ayon ni Kieran. "Mag toss coin na lang tayo. Head sa kanan, tail naman sa kaliwa." Suggestion naman ni Chace. Lahat sumangayon. Bahala na. Kung ano mang kalaban na naghihintay sa landas na tatahakin namin labanan na lang para makausad. Sinimulan pitikin pataas ni Chace 'yung coin. Pag-la

