Meira High: We are back to Meira HIgh NAG-IBA ang simoy ng hangin dito nang makabalik na kami sa Meira High. Walang sumalubong na students o teachers sa amin. Marahil sa kadahilanang madaling-araw kami nakabalik. Dumeretso na kami sa kanya kanya naming unit. I am so exhausted. Hindi lang ang katawan ko ang pagod, pati na rin ang aking isipan. Na-trauma ako sa nangyari sa Shaeres Elluna. Kailangan ko ng mahabang pamamahinga. Pagdating ko sa dorm namin, agad akong nagtungo sa banyo. Hinubad ko ang damit kong may bahid ng dugo. Habang pinagmamasdan ko ‘yon, may namuong luha sa mga mata ko. Naalala ko ko si kuya Duncan. Malungkot siya nang mamatay. Naramdaman ko ‘yon. Umupo ako sa bathtub at binuksan ko ang shower. Hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa ng tubig. At niyakap ko ang

