KENT “Good bye, Kent. Sana pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko,” ang seryosong wika ni Tita Helena. Hindi ko alam kung paano niya nalamang nandito kami ngayon sa Palawan at kinailangan niya pa talagang magpunta dito. She's always asking about Marie Gold. Marahil rin kaya niya kami natunton dito dahil nagmamanman siya sa akin? Dati nang naghihinala ang matanda na itinatago ko si Marie Gold. Sinabi niyang sa oras na malaman niyang itinatago ko nga si Marie Gold, idadawit niya sina Mommy at Daddy. Alam kong maimpluwensiya siyang tao kaya magagawa niya ang mga ibinabanta niya. “Palagi n'yo pong alalahaning, hindi ko kayang magsinungaling sa inyo, Tita Helena. Hindi ko kailanman itinatago sa'yo si Marie Gold,” saad ko na walang kangiti-ngiti sa aking mga labi. “Siguraduhin mo lang, dahil

