MARIE GOLD
I can't help myself from crying while trying to reminisce about my past with Kent.
“What if there is someone who will make you fall in love again while we're still in a relationship? What will you do, Babe?” I asked Kent as I lay my head on his shoulder. Tumingala ako sa kalangitan na may nagkikislapang mga bituin habang hinihintay ko ang kan'yang sagot.
“What kind of question is that, Babe?” natatawa nitong balik-tanong sa akin. Alam kong nakatingin rin ito sa kalangitan.
I slowly turned my gaze to him. “What if lang naman, I am just basing of what was happening in reality. I mean, kadalasan 'yan nangyayari ang ganoon sa ngayon.” paliwanag ko.
Naramdaman ko ang paghihigpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
“If it ever happens, I will still choose you. I've love you wholeheartedly and I do promise that our love will lasts forever,”
Tila matutunaw naman ang puso ko sa mga sandaling iyon.
Childhood friend kami ni Kent. Madalas kaming magkasama kapag pumapasok kami sa eskwelahan at 'pag oras naman ng uwian, palagi n'ya akong inaabangan kahit na may sundo naman ako. Since my parents and his parents are friends too, mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Sometimes nagkakaroon din kami ng hindi pagkakaunawaan, 'yon bang tinatawag nilang away bata, pero ang unang nagso-sorry ay si Kent even if I was the one who needs to apologize. Hanggang sa tumuntong na nga kami ng highschool. Mas lalong naging strong ang relationship namin as friends. Para na talaga kaming magkapatid. Since pareho kaming only child sa pamilya, itinuring ko siyang kuya. But I never expected one time, he confessed his feelings towards me. Nafa-fall na daw s'ya sa akin. Naguluhan ako. Ayaw kong masira ang friendship namin pero, hindi ko rin puwedeng itanggi ang kaparehong damdamin ko para sa kan'ya. Dahil ramdam talaga namin ang love para sa isa't-isa, sinagot ko siya nang ligawan niya ako. Ang relasyon namin ay masasabi kong smooth at walang problema.
He decided to tell his parents about our relationship. As expected, tuwang-tuwa sila sa amin. Mas madalas n'ya na akong dinadala sa bahay nila para mag-dinner. Kung ano-anong surpresa ang ginagawa n'ya para lang pakiligin ako. He is so sweet and gentleman. Palagi n'ya akong sinasamahan sa tuwing may hang-out ako sa iba ko pang mga kaibigan.Strikto s'ya lalo na kung sa isang bar kami nagpupunta ng mga kaibigan ko.
“I will send you home,”
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko nang biglang magsalita si Kent mula sa aming likuran, kung saan masaya kaming nag-iinuman.
“Si Marie Gold lang?” naka-irap na wika ni Lily, isa sa mga kaibigan ko.
Ngumiti si Kent dahilan upang muling malaglag ang panty ko, este! Mahulog ang puso ko.
“Hindi kayo kasya sa car ko,” kat'wiran ni Kent. Besides, may car naman kayo,” dagdag pa ni Kent.
Hindi makapaniwala na nagkatinginan ang mga kaibigan ko.
“Huwag kasi kayong lumamon ng lumamon. Ayan tuloy, nagmumukha na kayong baboy!” pang-aasar ko sabay hagalpak ng tawa. To be honest, ako lang sa kanilang tatlo ang hindi mataba.
“Ano? Kumakaliwa ka na ngayon dahil may Kent ka na?” kunwa'y inis na saad ni Lily.
“Oo nga!” si Bianca.
Lumabi ako at inasar pa lalo ang tatlo.
“Girls, mauna na kami.” saad ni Kent upang putulin ang pag-uusap namin.
“Tsee!” sabay-sabay na wika ng tatlo.
“Payo ko lang, huwag kang masyadong lumapit kay Kent, baka mahulog ka lalo!” hirit na bulong ni Bianca sa tainga ko.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.
Instead na sa bahay n'ya ako ihatid, dinala niya ako sa kung saan. It was a romantic place kung saan ibinigay n'ya sa akin ang matatamis n'yang mga pangako.
“I will never leave you, Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, wala nang iba.”
“Ako rin, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko,”
“Ikaw ang inspirasyon ko. Ikaw ang nagbibigay ng lakas ko, Babe. Ikaw na ang babaeng pakakasalan ko at ikaw na ikaw lang ang babaeng bibigyan ko ng maraming anak,”
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Ang sakit pa rin kapag naaalala ko ang mga araw naming nagdaan ni Kent. Pero wala nang mas sasakit pa sa kataksilang ginawa niya sa akin noon.
“Babe, napapansin kong super close na kayo ng pinsan kong si Monica.”
Mabilis na nag-iwas sa akin ng tingin si Kent. Two weeks palang silang magkakilala, iyon ang alam ko. Dalawang linggo pa lang kasi dito sa Pilipinas si Monica. Galing ito ng Amerika dahil nandoon ang trabaho nito bilang isang model sa mga sikat at mamahaling clothing brand doon. Until now, hindi pa rin kami okay sa isa't-isa, maging sa Ina nitong si Tita Helena. Kung puwede nga lang na utusan kong iwasan nito ang pinsan ko, ginawa ko na. Kaso hindi puwede, kasi wala namang kinalaman si Kent sa alitan ng Mommy ko at Mommy ni Monica.
“Lahat ng relatives mo, dapat ka-close ko. There's nothing wrong with it,”
I bit my lower lips and trying to hold my tears. Marami na kasi akong naririnig na mga tsismis tungkol sa kanilang dalawa, siyempre gusto kong hulihin ito sa pamamagitan ng pagtatanong ng pasimple at sa maayos na paraan.
“Yeah of course, there's nothing wrong with it. To be honest, I am happy to see you with her.” labas sa ilong na saad ko.
“Really?” tila biglang nangislap ang mga mata nito. Mukhang natuwa ito sa sinabi ko, bagay naman upang maramdaman ko ang tila mumunting kirot sa puso ko.
“Yes, gusto ko kasing kasundo mo lahat ng relatives ko para walang problema in the future. 'Diba sabi mo gusto mo akong pakasalan?” tanong ko. Pero sa isipan ko, gusto kong sabihin na maging malapit ka lang sa lahat, huwag lang kay Monica.
Pansin ko ang biglang pananahimik nito. Ihinatid ako nito sa bahay, ngunit hindi pa rin kami nag-uusap. I feel something strange actions from him. Upang mawala ang mga pagdududa ko, palihim ko itong sinusubaybayan saan man ito magpunta.
I bit my lips habang mariing nakatitig sa sasakyan ni Kent. Kanina ko pa ito sinusundan at napapansin kong pamilyar na daan ang tinatahak nito.
“Papuntang bahay ito ni Monica,” bulong ko. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang nagmamaneho. Nahihirapan rin akong huminga ng maayos.
“Ano ang gagawin mo sa bahay ni Monica?” my voice cracked and my body was trembling.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang buong pagkatao ko ng biglang huminto ang sasakyan ni Kent sa tapat ng gate ng bahay ni Monica. Malayo ang pagitan ng sasakyan ko sa kanila, pero kitang-kita ko ang biglang paglabas ng gate ni Monica at pumasok ito sa loob ng sasakyan ni Kent.
Sinundan ko pa rin ang kanilang sasakyan at ganoon na lamang ang paghagulhol ko ng makitang huminto sila sa tapat ng isang mamahaling hotel. Kahit nasasaktan na ako ng sobra, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagmamanman sa kanila. Good thing na ang kwartong napag-check-in-nan nila ay katabi lang din sa kwartong nakuha ko.