HONEY Dumating na nga ang araw na umalis na ang mag-asawa dahil bumalik na sila sa Manila. Ilang araw na lang din ay bubuksan na itong resort na inihabilin ng mga magulang ni Kent sa aming dalawa. Wala akong karanasan sa ganitong klaseng pagpapatakbo ng negosyo, pero wala akong choice kundi ang pumayag sa kagustuhan ng mag-asawa. Nandito ako ngayon sa dalampasigan, nag-iisa. Nagtungo si Kent sa bayan at naiwan akong mag-isa dito. Gusto niya sanang isama ako kaso, ako na mismo ang umayaw. Naisipan kong bumalik sa cottage na kinaroroonan ko kanina. Hahakbang na sana ako nang biglang tumunog ang hawak kong cellphone. Si Aling Merceda. “Ano na anak? Kumusta? Bakit hindi ka pa sumusunod dito sa islang kinaroroonan ko? Hanggang kailan ka hahanap ng tiyempo?” Tila naiinip na bungad na suno

