HONEY. “Hindi ako makapaniwalang wala pang nangyayari sa mga balak mo, Anak.” Dismayadong wika ni Aling Merceda. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang kainan. Natahimik lang ako. Hindi ko alam ang aking isasagot sa kanya. Ang dami nang nangyari sa pagitan namin ni Kent, at hindi ko maiwasang mahiya sa aking sarili, sapagkat, sa halip na magsagawa ng plano, nagawa ko pang ipagkaloob sa kanya ang aking katawan ng paulit-ulit. Ako na mismo ang gumagawa ng paraan upang sirain ang lahat ng plano ko towards him. “Just give me more time,” mahina kong tugon. “More time? Kailan pa? Ilang time pa ba ang hihintayin ko, Anak? Hindi naman sa pinangungunahan kita palagi, pero sinasabi ko na sayo, gumawa ka na ng hakbang upang hindi ka magsisi sa huli. Napabuntong-hininga lang ako at hindi mai

