They took a private plane to Palawan for their honeymoon. The flight will take around an hour or more from Subic. Medjo masakit ulo ni Mylene sa hang over kaya't di sya umiimik sa buong ride nila.
Habang nasa byahe, bahagyang nakaidlip na naman si Mylene, and she unconsciously leaned on Alex's shoulders. Hinayaan na rin naman sya nito kasi gustong gusto rin ni Alex ang amoy ng buhok nya.
They arrived in Coron, Palawan a little over 5 pm, so they decided to stay at Hennan Hotel Resort for a night. Medjo late na rin kasi at mga isang oras pa ang motor boat ride papuntang isla so they agreed na bukas na lang sila tatawid.
"Do you want to go somewhere for dinner or are we going to eat here na lang sa resort?" he asked Mylene nang matapos itong mag freshen up.
"Hmmm, would you mind if we will just eat here na lang? Heard their buffet here serves authentic Asian cuisines. I'm craving for some sushi right now." she answered while she took a dress out from her luggage and changed.
After she was done changing, she went out of the dressing room. She chose to wear her Zara sleeveless crop top with a plunging neckline, tan capri pants, and a slip-on.
"Yan ba talaga ang susuutin mo? Baka magka pulmonya ka nyan." ani Alex habang tinitingnan nyang nag lalagay ng lip tint si Mylene.
"Why? What's wrong with what I'm wearing??? Di ba bagay?" pabalik na tanong ni Mylene sa kanya.
"Tsss... Di yan! Magdala ka ng jacket or shawl. Kita na ang hulma dibdib mo sa suot mo." iritang sagot ni Alex sabay talikod at lumabas ng room.
Luh, anong problema nun? Pero sige na nga, I'll bring na lang a shawl. Baka nga malamig ang aircon dun.
When she got out of the door, Alex was waiting for her. He looked at her pero nawala na yung inis nya when he saw her wearing a shawl.
The buffet room was located on the ground floor of the hotel, malapit lang sa pool. Halos lahat ng mga guests dito ngayon ay foreigner na mga Caucasians. May iilang Asians din naman but it looked like silang dalawa lang ang Pinoy dito. Pano ba naman hindi, isa ito sa pinaka mahal na resort sa Coron.
Di inaalis ni Alex ang paningin nya kay Mylene habang naglilibot eto sa mga iba't ibang display ng pagkain. Pansin ni Alex na may iilang mga lalaking foreigners dito ang nakatingin sa asawa nya. Maganda si Mylene, sexy at ang mala morena nyang balat ay swak na swak sa panlasa ng mga puti.
Frowning, he suddenly stood up from where he was seated at pinuntahan kung saan ang asawa nya. He protectively put his hands on her shoulders para makita ng mga tao na magkasama sila. That gesture surprised Mylene but she just brushed it off.
"May napili ka na? Anong gusto mo? Ipapa-serve nalang natin sa servers. Let's just wait dun sa table natin." bulong nya sa asawa.
"Ah ok, pwede din. I want a bit of every sushi and sashimi here. " sabi nya , her eyes twinkled as she stared at the variety of sushis on the display.
"Ako na bahala. Let's go. Pinalipat ko pala ang pwesto natin dun banda sa pool na may private booths. Dun tayo para mas quiet. Andaming tao dito, ang ingay. Is that ok?"
"Wherever is fine. I'm starving na eh."
Alex intructed a server and pina serve nya ang halos lahat ng klase ng sushi at sashimi sa kanilang table. Aliw na aliw naman si Mylene sa kaniyang kinakain.
Pagkatapos nilang mag dinner, niyaya sya ni Alex sa cocktail bar para mag night cap. Umorder si Alex ng double shot ng Bacardi at Mojitos naman ang para kay Mylene at pumwesto sila sa bar. Di naman sila masyado nag uusap, except sa mga iilang personal questions lang na paminsan minsang binabato ni Alex kay Mylene, pero most of the time nakikinig lang sila sa nagpe perform na acoustic band. Pareho silang mahilig sa standards and classic songs.
Nagpaalam si Mylene para pumunta ng comfort room.
"Samahan na kita." he offered.
"No, ok lang. I can manage," she answered, turning her back on her.
Nang makaalis si Mylene, Alex focused his attention on the acoustic band performing when he didn't notice na may isang metizang foreigner naman na lumapit sa kanya.
"This is a cool place, isn't it?" tanong ng babae na parang inilalapit ang katawan nito sa sa braso ni Alex. He flinched. Alam na nya ang mga galawang ganito.
"Yes it is Madam." sagot nya sa babae. He didn't wanna be rude to her, but I the same time, he wasn't comfortable especially that his wife will be back anytime now. Baka ano na naman ang isipin.
"I see you're alone. Would you mind if I join you?" ani ng babae na hinimas ang braso nya.
Paglabas ni Mylene sa cr, tanaw nya from where she was standing si Alex na may kausap na babae.
"I am actually here with my wife. Newlyweds. We are on honeymoon." Alex said.
"You're married? You're kidding me, aren't you?" di makapaniwalang sagot ng babae sa kanya.
Napailing Mylene sa kinatatayuan nya...
Di sumagot si Alex sa tanong ng babae and instead, he raised his hand showing his wedding ring. Nakipag shake hands sa kanya ang babae at pagkatapos kay tumalikod at iniwan na sya sa bar.
Nakita yun ni Mylene. Di man sya lubos na makapaniwala sa nakita, pero na appreciate na na kahit papano, nirespeto sya ni Alex. She thought na baka if di sila magkasama ngayon, he would probably be playing with that girl now.
Nang malapit na sya kay Alex, umupo sya sa tabi nito at inirapan nya.
"O bakit?" he asked.
"I just wanna ask you if enough ba ang dala mong supply na condoms sa five days natin dito." sabi ni Mylene sa kanya.
Alam na ni Alex ang ibig sabihin ni Mylene, kayat sasakyan nya ang magmamaldita nito.
"Di natin kelangan ng condom, misis ko. Di ba may dapat tayong buuin dito? Lika na, simulan na natin." bulong ni Alex sa kanya na nagpa blush na naman sa kanya.
Di sya nakasagot sa mga banat ni Alex. Napainom na lang nya ang kanyang Mojitos at naubos nya yun. Imbis na ma relax sya, it added to her discomfort.
She raised her hand para umorder ulit nang pinigilan sya ni Alex.
"That's enough for tonight My. Let's go and take a rest," he said to her. She smirked at him but she didn't argue.
Umalis sila ng bar at pumanhik na sa suite room nila sa hotel.
Dumeretso si Mylene sa banyo pagkapasok nila. Kelangan nyang maligo kasi hindi na normal ang nararamdaman nyang init sa katawan.
10 minutes...
15 minutes...
30 minutes...
45 minutes...
Ang tagal nya sa loob. Baka nakatulog na. Ano ba kasi ang ginagawa nya sa banyo ng pagkatagal???
Kinatok ni Alex ang pintuan ng banyo. "Hey, are you still there? Are you ok? Mylene??"
May isang bagay na naman na na-discover si Alex sa kanyang asawa. Matagal sya sa banyo. 45 minutes??? Anong ritual sa pagliligo ang ginagawa ng asawa nya sa loob ng 45 minutes???
For a few days since he had met her, unti unti syang may nadi discover sa personalidad ni Mylene na kadalasan ay nakakaagaw ng pansin nya.
Una, di ito pala make up. Kung meron man, very light or simpleng lip tint lang ang gamit. Pero kahit na di sya nagme make up, lutang pa rin ang natural myang ganda at mala porcelain na kinis ng balat.
Pangalawa, mahilig ito sa pagkain. Di sya mapili. Kahit ano. It's not usual sa mga babaeng tulad nya ang ganyan. Kadalasan sa mga babae ay mapili sa pagkain. Na kesyo nagda-diet, naco-conscious sa katawan o di kaya vegetarian. Yung iba ngang babae, ayaw kumain ng hamburger kasi makikita ang laki ng bunganga nila pag kumagat.
Mapili nga ba talaga ang ibang babae, o sadyang nag iinarte lang para magpa impress, most especially kung may mga kasamang lalaki? He expected the latter.
Pangatlo, straightforward si Mylene. Walang paligoy ligoy pag nagsasalita at talagang may sense. He thinks matalino ito at yun ang kelangan nya. Isang babae na di lang pagpapaganda at pagsa shopping ang alam gawin.
Pang-apat, malakas syang uminom. Pero na napa pass out sa kalasingan.
Tsk! Di sya dapat uminom pag di ako ang kasama. Mahirap na.
Panglima, di masyadong sociable ang asawa nya. Pili lang ang kaibigan at kahit sa mga pinsan nya ay di sya masyadong close.
Pang anim, napaka independent at strong na babae. But he also noticed na ang mga mata nito ay may nakatagong lihim behind her independent and strong nature. Whatever it is, aalamin nya balang araw.
Wow, sa anim na beses nilang pagkikita simula nang una nya itong nakilala, may pitong bagay na syang nadiscover sa asawa!
Gusto nyang mas makilala pa ito.
Yet he knew how to take things slow at its course. Ayaw nyang madaliin ito at mahaba pa ang panahon pra mas makilala pa nya ang asawa.
"Wait, I'm almost done." sagot ni Mylene. Pagkatapos nyang maligo, agad syang lumabas ng banyo suot ang puting robe ng hotel at nakapulupot sa ulo ang puting towel.
Sumunod namang pumasok si Alex sa banyo kayat sinamantala ni Mylene ang pagkakataun na magbihis ng pampatulog.
Nag suot si Mylene ng ternong pajama na may character print designs. Eto na ang naka ugalian nyang suutin pag natutulog simula pa nung bata pa sya at hanggang ngayon ay dala dala nya pa rin. Di sya mahilig sa lacey lingeries and underwear. Nangangati sya dito. She preferred yung mga silk at cotton lalo na pagmatutulog. That is comfort over style.
When she heard na ta turn off na ang shower ay hudyat na tapos nang maligo si Alex, agad syang humiga sa king size bed ng hotel at pilit na pinikit ang mga mata na kunwariy tulog na.
Lumabas si Alex sa banyo na ang tanging saplot ay ang tuwalyang nakabalot sa kanyang pang ibaba at medjo basa pa ang buhok.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Mylene, lalo nat naramdaman nya ang pag higa nito sa tabi nya.
Lumipas ang ilang minuto. She wanted to know if nakatulog na din si Alex kasi parang di na gumagalaw ang kama at tahimik na.
Tulog na nga siguro.
Dahan dahan syang lumingon sa paharap sa kanya. Lakit gulat nya na nakahigang paharap sa kanya si Alex at tinititigan sya nito...