Chapter 5

1352 Words
Jackson POV Kandito kami ngayon sa bahay ni King, 1st birhday kasi ng bunso nilang anak na si baby Snow. "Bro, sigurado ka ba sa gagawin mo? Pakakasalan mo talaga si Sophia?" Wika ni Traviz. "Naguguluhan din ako bro, nung sinabi nya sa akin yung dahilan ng paglayas nya, iyon agad ang nasabi ko sa kany. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang protektahan. Sa totoo lang kaya ko naman gawan ng oaraan na hindi makasal kay Ingrid pero yun nalang kasi ang naisip kong dahilan para pumayag sya sa gusto ko." Paliwanag ko sa kanila. "Alam mo bro ang gulo mo. Hindi mo pa kasi aminin sa sarili mo na gusto mo siya. Palagay ko sya na makakapagpabago sayo. Hindi nyo ba napapansin bro mula ng nakilala nya si Sophia sa loob ng dalawang Linggo ni hindi ka nag punta ng bar, pirmis kang nakatambay kung hindi dito sa amin doon kay Phoenix." Sabi ni King. "Tama sila bro, dati halos tatlo hanggang apat na beses ka kung magpalit ng babae mo sa loob ng isang Linggo. Himala talagang wala kang kafling sa loob ng dalawang Linggo. "Mas matindi ka sa amin bro, hindi mo pa inaamin na mahal mo kasal agad? Ibang klase ka." Kantyaw ni King sa akin. "Hindi ba at 1 week mo palang din nakilala si Alex nagp opose ka kaagad." Sabi ko naman. "Bro, matagal kong hinanap si Alex kahit hindi pa kami nagkakakilala ng personal." Palusot niya. Parang baliw nga naman siya noon kakahanap sa babaeng naka one night stand niya. Napatingin naman ako kay Phoenix. "Bro, wag mo akong tignan ng ganyan, aba 10 years kong hinintay si Hera kaya minadali ko na rin na pakasalan sya. Kung hindi lang ako inunahan ni King baka mas nauna pa kaming ikinasal ni Hera kesa sa kanila ni Alex." Wika naman ni Phoenix. "Oh eh di kayo na ang inlove." Sabi ko. "Bro inlove ka rin naman kay Sophia, in denial stage ka pa nga lang." Sabi naman ni Traviz. "Isa ka pa hindi ka nga makaporma kay Dr. Kim." Pang aasar ko naman kay Traviz. "At least hindi ko dine-deny na gusto ko sya." Sagot naman niya. "Maiba ako bro, sabi ng tauhan ko na nag iimbestiga sa naaksidenteng bus, may ibang pamilyang nagclaim sa bangkay pero bandang huli ay sinabing nagkamali sila. Nakausap rin niya yung yaya ni Sophia pinaghahanap pa rin daw ng madrasta niya si Sophia." Sabi ni Phoenix. "Ano naman ang mapapala nila kung palabasin nilang namatay nga si Sophia? Sa charity pa the in naman sigurado mapupunta ang mana." Sabi ni King. "Sa palagay ko pinalabas nilang namatay si Sophia para mapabalik nila sa probinsya." Sabi ni Phoenix. "Maaring tama ka bro, pero ano naman ang mapapala nila kung namatay nga si Sophia?" Tanong ko naman. "Yan ang kailangan nating alamin bro. Si Sophia lang ang makakasagot nyan." Sabi ni Phoenix. "Hindi ba at si Vera pa rin ang tumatayong legal guardian ni Sophia? Maaring kapag nawala ng tuluyan si Sophia sa kanya mapupunta ang mana, kung maikasal naman si Sophia sa pamangkin nya magagawaan nila ng paraan na mapasakanila lahat ng ari arian ni Sophia." Sabi naman ni King. "May point ka dyan bro.. Sabi ko naman. "So itutuloy mo na talaga yung plano mo na magpakasal?" Tanong ni Traviz. "Alam mo bro kung mag aasawa lang din ako dun na ako sa alam kong matinong babae, alam kong babaero ako at hindi deserve ang kagaya ni Sophia pero mga bro gusto ko talaga syang tulungan at protektahan." Sabi ko naman. "We will suport you bro. Nakikita kong nagtitino ka na mula ng makilala mo si Sophia. Katunayan siya nalang palagi ang bukang bibig mo tuwing nagpupunta ka dito." Sabi naman ni King. "Wala na bro confirm, malakas na tama mo kay Sophia. Maniwala ka sa amin ni King bro, napagdaanan na namin yung ganyang pakiramdam at hanggang ngayon ganyan pa rin kami sa mga asawa namin. Yung tipong gagawin mo lahat wag lang masaktan." Sabi naman ni Phoenix. "Ang tanong bro, attracted din kaya si Sophia sa kanya?" Hirit naman ni Traviz. "Bakit nga pala hindi mo isinama dito bro? Para nakilala na rin sana ng mga girls." Sabi ni King. "Next time bro isasama ko." Sabi ko. Pagkatapos ng party ng bunsong anak ni King ay umuwi na rin ako sa Penthouse ko. Iniisip ko ang mga sinabi sa akin nina King at Phoenix. "Posible nga kayang may feelings na ako kay Sophia kahit na ilang Linggo palang kaming nagkakakilala?" Tanong ko sa isip ko. Buo na ang desisyon ko, hindi ko na itutuloy ang deal namin ni Sophia, I want to court her and be my girl without any contract or deal. I need to talk to her. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang phone number niya. Naka ilang ring oa bago niya ito sinagot. "Hello?" Tila inaantok pang sagot niya. "Sophia, it's me. Jackson." Sabi ko. "Sir Jack- I mean Jackson, napatawag ka? May mali ba akong nagawa sa pinagawa mong documents kanina?" Nag aalalang tanong niya. "No. Wala namang mali. I called you because I want to talk to you. Can we meet tomorrow?" Tanong ko sa kanya. "Sure. Wala naman akong gagawin bukas." Sabi niya. "Okay, I will fetch you tomorrow." Sabi ko sa kanya. "Anong oras tayo magkikita?" Tanong niya. "I'll be there at 6:00 pm." Sabi ko. "Sige. See you tomorrow." Sagot niya. "Good night Sophia. Bye." Paalam ko sa kanya. "Good night. Bye." Agad naman niyang ibinaba ang tawag. Kinabukasan ay ipinatawag ako ni lolo sa mansion. Malamang ay kukulitin nanaman niya ako para ipakilala sa kanya ang babaeng sinasabi ko. "What's up, lolo! Kamusta po?" Masiglang bati ko sa kanya. "I'm perfectly fine. Kamusta ang preparation para sa Charity Auction na gaganapin sa birthday mo?" Tanong ni lolo. "Maayos naman po lolo all set na po, ididistribute na rin po ang mga invitation this coming week." Sagot ko. "That's good. Yung usapan natin apo. Kapag wala kang naipakilalang girlfriend sa akin bago ang birthday mo, I aannounce ko ang engagement ninyo ni Ingrid sa mismong birthday mo." Sabi ni lolo. "You don't have to do that lolo dahil may kasama ako sa birthday ko. Oo nga po pala hindi na po ako dito magdidinner, may date pa ako mamaya." Sabi ko. "Siguraduhin mo lang na totoo ang pinagsasabi mo apo at kung hindi totoong may girlfriend ka ikakasal ka kay Ingrid sa ayaw at sa gusto mo." Wika pa niya. "Muka ba akong nagsisinungaling lolo, May date talaga ako sa event next month at sigurado ako na magugustuhan mo sya lolo." Sabi ko naman. "Mabuti kung ganon. Wala namang kaso sa akin kahit sino ang mapangasawa mo ang importante ay may mag aalaga sa iyo kapag wala na ako." Sabi ni lolo. "Makapag salita ka naman po lolo, mahaba pa buhay nyo. Saka antayin nyo po mga magiging apo nyo sa tuhod." Sabi ko naman na ikinatuwa niya. Ngayon niya lang kasi narinig na nagkioag usap ako ng seryoso sa kanya ng tungkol sa pagkakaroon ng pamilya. Lagi ko kasing idinadahilan na hindi pa ako handang magkaroon ng pamilya o di naman kaya ay masaya ako sa buhay ko kahit walang seryosong karelasyon. Bago mag alas tres ng hapon ay nagpaalam na ako kay lolo. Dumaan muna ako sa isang flower shop para mag order ng bulaklak. First time kong magbibigay ng bulaklak sa isang babae kaya hindi ko alam ang magandang ibigay. "Good afternoon sir, welcome to Angel's Flower shop." Bati sa aking ng isang staff. "I need a flower for a special girl. Ano ba ang magandang ibigay sa kanya?" Tanong ko sa nag assist sa akin. Girlfriend nyo ba sir or nililihawan palang?" Tanong niya. "Liligawan ko palang." Sagot ko. "Mas maganda sir combination of red and white roses. White symbolizes purity or Innovence and new love. Red symbolizes love and admiration." Sabi ng staff. "Okay, give me a bouquet of red and white roses pleas." Sabi ko sa staff. Pagkakuha ko ng binili kong bouquet at dumiretso na ako sa penthouse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD