Jackson POV Gaya ng suggestion nina Phoenix at King, minadali ko ng preparation para sa kasal namin ni Sophia. Mabuti nalang at tapos ng gawin ni Alex ang wedding gown na dinesign niya para kay Sophia. Ako rin mismo ang nagdesing ng wedding ring namin kaya siguradong wala iyong katulad. "Apo, ayos na ba ang lahat para sa kasal ninyo ni Sophia?" Tanong sa akin ni lolo nandito kami ngayon sa office ko. Kasama rin namin si daddy at tito Larry gayun din ang mga kaibigan ko maliban kay Traviz. Mabuti na lang at check up ngayon ni daddy kaya hindi mahahalata ni Sophia kung ano man ang pinagkakaabalahan namin nila daddy. "Daddy, sigurado ka po na kaya mong lumakad sa kasal namin bukas?" Tanong ko kay daddy. "Kayang kaya. Saka isa pa kailangan ko ring kayanin. Alam mo namang pangarap ni Sophi

