CHAPTER 3

1270 Words
Kaagad na umakyat si Griffin Dax sa silid nila ni Mikaela nang makitang pumasok na si Djurzina sa kwartong inookupa nito. Mula sa bulsa, dinukot niya ang underwear ng babaeng kaniig kamakailan lang. Dinala niya iyon sa ilong. Sinamyo habang napapangiti. “Iba pala talaga ang excitement na mararamdaman mo kapag alam mong pwede kang mahuli any time.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi, saka muling ibinalik ang damit panloob ni Djurzina sa bulsa ng kaniyang pantalon. Pagpasok sa silid, maayos na itinupi ni Griffin Dax ang panty ng dalaga. Dinala niya iyon sa walk-in closet. Maingat na itinago kasama ang mga underwear niya. Kaagad siyang dumiretso sa banyo. Hinübád ang lahat ng saplot saka pinuno ng maligamgam na tubig ang bathtub. Nang umabot ito sa tamang lebel, dahan-dahan siyang naglagay ng Epsom salt at ilang patak ng lavender essential oil. Hinayaan niyang kumalat ang banayad na halimuyak bago inilublob ang nahahapong katawan. Magmula nang may mamagitan sa kanila ni Djurzina, hindi na niya gaanong inuutusan ang dalaga. Lagi niya itong pinapagod tuwing nagkakasarilinan sila kaya binawasan niya ang trabaho nito upang hindi mangayayat. Dala ng pagod sa trabaho at sa ginawa nila ng dalaga, hindi niya namalayang nakatulog siya ng halos tatlumpong minuto. “Sht! Anong oras na!” Agad siyang bumangon sa bath tub, lumakad patungo sa dutsa, at mabilisang naligo. Labing-limang minuto lang kung magbabad siya sa tubig. Hindi siya lumalagpas pa doon sapagkat ayaw niyang mangulubot kaagad ang kaniyang balat. Kaya hindi na niya pinatagal pa ang pagligo. Nang lumabas sa banyo si Griffin Dax, nasa loob na ng kanilang silid si Mikaela. “Hi, sweetie! Kanina ka pa ba dumating?” kaswal na bati niya sa kasintahan na prenteng nakaupo sa kama habang nakatutok ang mga mata sa laptop. “Almost fifteen minutes na rin,” tipid nitong sagot. Hindi man lang tumingin sa kaniya. Lumapit siya sa dalaga. Itinukod ang kaliwang kamay sa night table at kunwa’y inusisa ang ginagawa nito. “Nagtatrabaho ka pa rin kahit nakauwi ka na? Hindi ba pwedeng ipagpabukas ’yan?” malambing niyang tanong. Sinadya ni Griffin Dax na ilapit ang katawan kay Mikaela. Sinusubukang alamin kung magagawa pa ba niya ulit itong akitin kagaya noong mga panahong hindi pa nito naitatayo ang sariling kompanya. Napalingon sa kaniya ang dalaga. Iginala ang mga mata sa matipuno niyang katawan, partikular sa dïbdīb niya na may pumapatak pang tubig mula sa kaniyang buhok na hindi niya gaanong natuyo. Matamis na napangiti si Griffin Dax sa pag-aakalang pagtutuunan na siya ngayon ng pansin ng dalaga. Itinaas niya ang kanang kamay upang haplusin ang si Mikaela sa mukha. Ngunit hindi niya naituloy ang balak gawin nang tumalim ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “Aware ka naman siguro na bagong ligo ka at tumutulo pa ang tubig sa katawan mo, ’di ba?” nakataas ang kilay na tanong ng dalaga sa nayayamot na tinig. “Kita mo na ngang basa ka tapos dumikit ka pa sa ’kin!” asik pa nito. Nabura ang matamis na ngiti sa mga labi ni Griffin Dax. Umawang ang kaniyang bibig. “S-Sorry, ano kasi...” Tumuwid siya ng tayo. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi dahil sa pagkapahiya. “Tsk! Nakakainis!” Inilapag ni Mikaela ang hawak na laptop. Padabog na naglakad patungo sa sarili nitong walk-in closet. Kumuha ng damit at may pagmamadaling pumasok sa banyo. “’Tang ina! Ano ba ang problema niya?” Naisabunot ni Griffin Dax ang mga kamay sa buhok. Pabagsak na naupo sa malambot na kama. “Bakit mo ba ’to ginagawa sa ’kin, Mika? Bakit hindi mo na lang ako hiwalayan kung hindi ka na masaya sa ’kin? Hindi ’yong magloloko ka pa.” Pitong buwan na ang lumipas simula noong matuklasan niya ang pagtataksil ng kasintahan. Hindi sinasadyang nakita niya ang dalaga na sinundo ng lalaking may lahing banyaga. Maaga siyang pumunta sa kompanya na pagmamay-ari ni Mikaela. Pababa na siya ng sasakyan nang makatanggap ng tawag mula sa kasintahan. “Hi baby!” masiglang bungad ng dalaga. “Hello! Kumusta ang maghapon?” malambing na tanong niya. “Eto, nakakapagod.” Dinig niya nang magpakawala ng malalim na buntong-hininga si Mikaela bago muling nagpatuloy. “Marami nga pala akong tinatapos ngayon sa office. ’Wag mo na akong sunduin. Mali-late ako ng uwi,” dagdag nito. Unti-unti ng lumalago ang negosyong pinamamahalaan ni Mikaela. Simula noong unang buwan ng taon ay lagi ng abala ang kasintahan. Halos wala ng oras sa kaniya. Inunawa niya ang dalaga. Alam niyang mataas ang pangarap nito. Nais nitong umasenso hindi lang ang sarili, pati na ang mga magulang at ang mga kapatid nito na sina Elyza at Quino. Kaya sa halip na magtampo dahil hindi naalala ng kasintahan ang kaniyang kaarawan, napagdesisyunan niya na lang na tawagan ang mga kaibigan upang may makasama sa pagdiriwang. “Sige, pare. Magkita na lang tayo sa dati.” Pinatay niya ang tawag. Inilapag sa kabilang upuan ang cellphone. Binuhay niya ang makina ng sasakyan upang umalis na sa harap ng tatlong palapag na gusali na pag-aari ni Mikaela. Ngunit bago pa makaalis si Griffin Dax sa pinagparadahan ng sasakyan, natanaw na niya ang kasintahan. Nakangiti ito habang mabibilis ang hakbang na naglalakad palabas sa gusali. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa nasaksihan. Hinayon niya ng tingin ang direksiyong tinutumbok ng babae. Isang matangkad at banyagang lalaki ang nakangiting sumalubong kay Mikaela. Mähigpit nitong ikinulong sa mga bisig ang kasintahan saka hinagkan sa pisngi. Nanikip ang dïbdīb ni Griffin Dax sa kaniyang natuklasan. Dumiin ang mga kamay niya na nakahawak sa manibela habang nagtatagis ang mga bagang. “Marami palang tinatapos, ah?” nanunuyang wika ng binata habang hindi pa rin inaalis ang mga mata kay Mikaela at sa lalaking nakaakbay dito. Gustong-gusto na niyang bumaba sa sasakyan. Sugurin ang lalaki na animo ahas kung makalingkis sa kaniyang kasintahan. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Ilang ulit siyang huminga nang malalim upang kumalma. Nang makaalis na ang dalawa’y saka pa lamang pinasibad ni Griffin Dax ang kaniyang sasakyan. Kaagad siyang dumiretso sa isang high-end bar na pagmamay-ari ng kaibigan niyang Raven Claude. “Dude, happy birthday!” bati ni Raven Claude kay Griffin Dax. Itinaas nito ang kamao at nakipag-fist bump sa kaniya. “Bakit ang aga mo naman yata? Five thirty pa lang, ah!” Tumingin ang binata sa mamahalin nitong pambisig na relo, bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mga mata. Hindi pa nagbubukas ang bar. Ngunit dahil magkaibigan sila’y agad siya nitong pinatuloy. “Ang ganda ng regalong natanggap ko kay Mikaela, pare!” naiiling na pahayag ni Griffin Dax sabay tungga sa kopita na may lamang whiskey. “Bakit pare, ano ba nangyari?” usisa nito. Isinalaysay niya sa kaibigan ang nasaksihan nang pumunta siya sa kompanya ng kasintahan. “Baka naman kaibigan lang? Tinanong mo ba muna siya kung sino ’yong sumundo sa kaniya?” “Kaibigan?” pagak na natawa si Griffin Dax. “Matagal na kaming nagsasama ni Mika. Kilala ko na lahat ng kaibigan niya. At saka, kaibigan bang maituturing ’yong halos lumingkis na siya sa girlfriend ko?” Nagsalin siya ng alak, pinuno at inisang lagok. “Mahirap nga ’yan, p’re!” Malungkot na napailing si Raven Claude. Marahang tinapik ang kaniyang balikat bilang pakikisimpatya. Kolehiyo pa lang ay magkaibigan na sila ng binata. Pareho silang laki sa hirap. Pinasok ang lahat ng pwedeng pagkakitaan para makapag-aral hanggang sa makapagtapos. Kahit may sarili na silang trabaho, hindi sila huminto sa pagiging madiskarte. Patuloy pa rin silang nagsikap hanggang sa isang araw ay nakapagpatayo na rin sila ng sarili nilang negosyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD