Sue’s pov NANGINGINIG pa rin ang katawan ni Sue pagkatapos patayin ni Feonna ang tawag nito. Alam niya ang number ni Feonna. Nabigla lamang siya nang sagutin niya ang tawag nito kanina dahil kausap niya si Rafael. Ang nakakapagtaka pa ay kung bakit alam ni Feonna ang kanyang number samantalang bagong palit niya lamang ng simcard. Ang bumungad kaagad sa kanya ay ang sunod-sunod na ungol ni Feonna at Winston. Hindi siya maaaring magkamali. Ang ungol ni Winston ay pamilyar sa kanya. Maging ang boses nito ay hindi niya maaaring makalimutan. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Ang sakit ay unti-unting nabubuhay sa kanyang puso. Kahit na nasasaktan siya ay hindi niya pa rin pinatay ang tawag sa kanya ni Feonna. Gusto niya pa ring makasiguro na baka niloloko lamang siya ni Feonn

