Jerica’s pov HINDI inaasahan ni Jerica ang kanyang magiging paunahin nang araw na iyon. Sunod-sunod na pag doorbell ang bumulahaw sa kanya. Matutulog sana pero hindi niya nagawa dahil sa istorbong panauhin. Naiinis na lumabas siya ng bahay. Kunot-noo na binuksan niya ang gate. Natigilan siya nang makita ang panauhin. Walang iba kundi si Adam Montenegro. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Adam ang address ng kanilang bahay. Natigilan na napatitig lamang siya sa mukha ni Adam. Tinalo niya pa ang nakakita ng multo. “Pwede ba akong pumasok?” tanong sa kanya ni Adam. Nakaharang pa rin kasi siya sa gate. “Hindi,” sagot niyang sinara ang gate at hinila palayo ng bahay nila si Adam. “Wala na tayong dapat na pag-usapan. Tapos na tayo,” wika niya sa lalaki. “Hindi k

