Sue’s pov DALAWANG ARAW na ang lumipas simula nang mag-usap sila ni Winston sa cellphone ay hindi na ito muling nagparamdam pa. Kahit galit siya rito ay nagpakumbaba pa rin siya at tinawagan niya ang asawa pero pinapatayan lang siya nito ng cellphone na tila ba ayaw siya nitong kausapin. Wala ba siyang karapatang magalit? May masama ba sa sinabi niya na mag-isip muna ito kung siya ba o si Feonna pa rin? Siya pa rin ang asawa. Siya ang may higit na may karapatan kay Winston pero kung si Winston ang susuko ay wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na lamang kahit pa labis siyang masasaktan. Napabuntong-hininga na lamang siya kung kaya napansin siya ng kanyang ina na kanina pa pala makamasid sa kanya. Nasa sala siya habang nagsusulat ng mga kailangan niyang bilhin sa

