Winston’s pov HINDI maintindihan ni Winston ang sarili kung bakit siya nagagalit nang nalaman ni Blake ang tungkol kay Sue. Hindi niya rin mapigilan na hindi mainis kay Sue dahil hindi man lang nito sinabi na tinawagan nito si Blake. Wala si Jerica nang dalawin niya sa bahay ni Sue. Si Acaly ang nagbukas sa kanya ng gate nang dumalaw siya. Ayon dito ay nasa silid daw si Sue kaya tumuloy na siya sa silid na pinagamit kay Sue. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang plano mo?” tanong niya kay Sue. “Gusto mo pa lang tawagin si Blake ay hindi mo pa sa akin sinabi,” dagdag niya pang tanong sa babae. Nasa silid silang dalawa nang mga oras na iyon at nag-uusap. Nakaupo ito sa kama samantalang siya ay nakaupo sa maliit na sofa na naroon sa silid. Hindi niya mapigilang

