Winston’s pov NAHULOG sa malalim na pag-iisip si Winston sa babaeng nakilala niya kanina. Gusto niyang magtanong kay Feonna kung sino ba ang Sue na nakilala niya kanina. Mukhang brat ito. Maganda nga pero kung umarte ay parang bata. Sa tingin niya ay kilala siya ng babae. Ang mga tingin nito ay parang gusto siyang kainin na buhay. Tila ba kay laki ng galit sa kanya ng babae. Ang ikinikilos nito ay hindi niya maintindihan. Kitang-kita niya kung paano apakan ni Sue ang damit ni Feonna. At kung paano nasubsob si Feonna sa carpet. Gusto niya man na daluhan kanina si Feonna ay hindi niya naman magawa. Maraming mga mata ang nakatingin. Isa pa nandun naman si Angelo. Kahit alam na nito ang relasyon niya kay Feonna, sa mata ng tao ay ito pa rin ang asawa. At siya, isa lamang siyan

