Feonna’s pov NAGMAMADALING TUMAKBO si Feonna nang marinig niya ang sasakyan ni Angelo na pumapasok sa garahe. Agad niyang nilapitan si Angelo na bumababa pa lamang ng sasakyan. “Kung hindi pa kita tawagan ng ilang ulit ay hindi mo sasagutin ang tawag ko!” agad niyang bulyaw kay Angelo. Ilang oras lang naman siya nitong pinaghintay na labis niyang ikinagalit. “Hinaan mo ‘yang bibig mo. Wala ka na ngang ngipin kung makasigaw ka akala mo nasa kabilang kanto ako,” pilosopong sagot sa kanya ni Angelo. Inabot lang nito ang dalang bag sa kotse at kaagad siyang tinalikuran. “Hu’wag mo akong pilosopohin at kanina pa ako nagagalit!” sigaw niya ulit kay Angelo. Sinundan niya ito hanggang sa loob ng bahay. Kulang na lang ay takpan ni Angelo ang tenga nito dahil sa kanyang pagb

