--April-- Two months after.. NAABUTAN niya si Noah na tahimik nakaupo sa loob ng mausoleum na ipinatayo nito para sa anak nila. Halos dalawang buwan na ang nakakalipas matapos mailibing ang anak nila na si Noah. Ilang buwan din siyang nagkulong sa loob ng kwarto, tulala at hindi makausap. Kahit anong pilit ng magulang niya ay ayaw niya talaga makipag-usap. Sinubukan din siyang kausapin ni Noah pero sarado pa rin ang isip niya. Ayaw niya muna makipag-usap sa kahit kanino...hanggang ngayon nagluluksa pa rin ang puso niya. Hanggang ngayon, masakit pa rin. Walang kasing-sakit na maglibing ng anak. Gabi-gabi hina-hanap niya ang anak niya dahil lagi silang magkatabi sa pagtulog. Nakakapanibago lang. Huminga siya ng malalim saka marahan lumapit sa binata. Napasulyap naman ito sa kanya, nap

