Isang araw na walang malay si Sofie sa loob ng clinic, at si Mylene ang matiyagang nagbabantay at nag-aalaga kay Sofie. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay nanatili si Julia sa loob ng bartolina kaya pansamantalang naging ligtas sina Mylene at Sofie. Mylene POV Hindi ko mapigilan ang aking mga luha habang pinupunasan ko ng basang towel ang buong katawan ni Sofie. Namamaga kasi ang katawan nito at puno ng malalaking pasa ang buong likod niya. Nagtataka ako na sa ilang araw na pananatili ni Sofie dito sa loob ng kulungan ay wala man lang ni isang kamag-anak ang dumalaw sa kan’ya. Unang kita ko pa lang sa kan’ya ay nararamdaman ko na mabait itong tao kahit na napakaweird nitong tingnan dahil sa dalang nitong magsalita. Napatunayan ko na may mabuti itong puso ng iligtas niya ako mula sa

