Alexander POV Malalim na ang gabi ng maalimpungatan ako at naalarma ako ng wala si Safire sa aking tabi, mabilis akong bumangon at hindi na nag-abala pang magsuot ng damit kaya naka boxer lang akong lumabas ng kwarto. “Safire!” Ang tawag ko sa madilim na pasilyo ng bahay ngunit walang ingay akong naririnig. Binuksan ko ang bawat kwarto ng Mansion ngunit wala si Safire kaya bumaba na ako ng hagdan at tinungo ang kusina, ala Una na ng madaling araw kaya alam kong tulog na ang lahat ng katulong. Sumalubong sa akin ang madilim na kusina at hindi ko natagpuan si Safire, babalik na sana ako sa kwarto upang magbihis para hanapin si Safire, ngunit nahinto ako sa paghakbang ng maagaw ang aking atensyon ng isang bulto ng tao na nakaupo sa counter ng bar tahimik na umiinom. Nakahinga ako ng maluw

