Safire POV Tila nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog, at sa pagmulat ng aking mga mata ay nagtaka ako sa babaeng nakahimlay sa aking mga bisig. Puno ng dugo ang buong katawan nito, ramdam ko ang malagkit at malapot na dugo nito na kumapit na sa aking katawan. Nararamdaman ko rin ang bigat ng kalooban ni Sofie, ang matinding pagdadalamhati nito. Ang puso n’ya ay nababalutan ng kalungkutan, at isa lang ang ibig sabihin no’n mahalaga sa kan’ya ang babaeng ito. “Ngayon mo sabihin sa akin Sofie na pabayaan na kita at iwan ng tuluyan, gayong hindi mo kayang harapin ang mga ganitong sitwasyon!? Ang tanong ko sa kan’ya mula sa aking isipan, isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Pinagmasdan ko ang paligid nasa isang hindi pamilyar na lugar ako, maging ang mga tao sa ak

