Chapter 19

1404 Words
Sandra’s POV I was crying right away na makalayo ako sa kanya. Nasasaktan kasi ako bilang si Sandra na at hindi na bilang si Alex. I thought he really love Ate Alex pero bakit ganun? Bakit tila ba napakabilis naman yata niyang magalit sa simpleng bagay lang. Parang titingnan ko lang naman yung librong pink na yun tapos nagagalit agad siya. Hindi ba niya ako na-miss? Kakarating lang niya from business trip tapos ganun agad ang bungad niya sa akin? Sa gilid ako ng swimming pool dinala ng mga paa ko. Pinagtitinginan pa ako kanina ng mga maid dahil hindi ko na nga naitago ang luhang tumulo sa mga mata ko. Ito kasi ang problema sa akin, napaka-soft hearted kong sobra. Hindi kagaya ni Ate Alex na palaban at matapang. Kahit minsan nga ay hindi ko yatang nakita na umiyak yun. Umupo ako sa gilid ng pool. Inilawit ko ang aking paa. Abot ko ang tubig ng pool kaya naman tumatama ang paa kong salitan ang paggalaw. Para akong batang nagtampo dahil lang sa napagalitan at nasigawan ako. Base sa naging reaksyon niya ay tila ba sobrang halaga sa kanya ng libro na yun. Mas lalo tuloy akong naging interesadong makita kung ano ang nilalaman niyon sa loob. Hindi kaya nandun ang picture ng ex-gf niya? Eh, sino naman kaya yun? Hindi ba’t si Ate Alex lang ang mahal niya? Dahil sa pink na librong yun ay nagulo ang isip ko. Iniisip ko naman na baka kapag ipinagpilitan kong makita ulit yun, next time na mahuli niya ako ay mas magalit pa siya. Punong-puno na ng luha ang mga mata ko. I can’t go back na ganito ang hitsura ko. Ayaw ko rin isipin ng mga maid na inaway ako ni Hans at pinapaiyak ako nito. Pero nakita nila ako kaninang halos paiyak na kaya hindi ko alam ang isasagot ko kapag nagtanong sila. Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang lumubog na lang sa pool. Dumaan ako sa hagdanan ito at sa mababaw na tubig lang ako pumunta. Sa ganitong paraan ay mawawala ang tuyong luha sa pisngi ko. Mga ilang minuto kong ibinabad ang mukha ko sa ilalim ng tubig. Nakapikit lang ako at malalim ang iniisip. Simula ng ikinasal kami hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa amin. Naisip kong hindi malayong iyon ang dahilan kaya umiinit na lang bigla o nagagalit ang isang lalake kasi nga may pangangailangan din sila. Pero ang problema ay hindi ko naman pwedeng ibigay yun sa kanya. Nang halos kakapusin na ako ng hininga ay iniahon ko na ang mukha ko at pinuno ang aking baga ng sariwang hangin. Pagmulat ko, hindi ko inaasahang makikita ko si Hans na nakatayo sa gilid ng pool habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at mas pinili kong lumubog na lang ulit sa tubig. Mas mabuti pa nga sanang higupin na lang ako ng tubig sa pool na ‘to at dalhin na lang sa pinakamalayong lugar, sa malayong-malayo kay Hans. “Come up. We need to talk,” kalmado ng sabi niya. Hindi na pasigaw at wala na akong naramdaman na galit sa tono o boses niya. “Ayoko. Dito lang muna ako,” nakasimangot na sagot ko sa kanya. Hindi ko na ulit siya pinansin o sinulyapan man lang ngunit nagulat ako ng bigla siyang mag-dive sa pool! Kailangan pa talagang magdive? Pwede naman na bumaba na lang siya, ah? Lumangoy siya papalapit sa akin. Nang nasa mababaw na, habang naglalakad siya papalapit ay inaalis niya rin ang t-shirt niya. Nang mahubad ay piniga niya yun at isinabit sa balikat niya. Napalunok akong bigla ng magawi ang mga mata ko sa pandesal niya. Nang mahuli niya ang mga mata ko ay napangisi siya. “Did you like the view, asawa ko?” Tss! Asawa ko. Samantalang kanina ay hindi naman ganun ang tawag niya sa akin. At tsaka.. bakit bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin? “Bakit ka nandito? Hindi mo ba babantayan yung pink na libro? Sige ka.. baka may ibang makakita nun.” Sarkastikang sabi ko sa kanya at ako naman ang ngumisi. Akala ba niya ay siya lang ang marunong magalit? Marunong din kaya ako. “Are you angry with me?” Yung tono niya na parang nang-aamo pa. At may lakas pa talaga siya ng loob na magtanong kung galit ako o hindi? “Wow! Coming from you, Hans?” “Call me hubby.” “Ano?” Naiinis na sabi ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. “I said, call me hubby. Not Hans..” “Tatawagin kita sa paraan na gusto ko!” Mabilis ko siyang tinalikuran! Aalis na sana ako pero agad niya akong pinigilan. Niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likuran ko at nagpakatumba kami sa tubig. Mabuti na lang at ini-ahon niya rin agad ako dahil muntik ng kapusin ang hininga ko. “Alam mo? Nakakainis ka!” Para akong batang nagtantrums sa harapan niya. Hinampas ko pa ang tubig papunta sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako. Lumapit siya sa akin at muli akong niyakap. Ipinatong pa sa balikat ko ang baba niya, sabay bulong, “I’m sorry sa ginawa at mga sinabi ko sa’yo kanina,” aniya na hindi inaalis ang pagkakayakap sa akin. Ramdam ko rin na pahigpit ng pahigpit kaya naman hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaalis kahit na gustuhin ko pa. Natigilan na ako. Ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa may puno ng tainga ko. “Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako..” dugtong pa niya. This time ay napabuntong hininga na ako. “Ano ba kasing nilalaman nun? Bakit ganun na lang ang naging reaksyon mo ng makita mong hawak ko yun?” Naging interesadong tanong ko na rin. Unti-unti na rin humupa ang galit at inis ko sa kanya. “You’ll know it when the time comes. Pero sa ngayon ay huwag na muna,” aniya. Sa sinabi niya ay mas lalo akong na-curious sa bagay na yun. “Siguro nandun ang picture ng ex mo, nuh?” Walang prenong sabi ko. Biro lang sana para sa akin pero bigla siyang humiwalay ng pagkakayakap sa akin. Akala ko nga ay galit na naman siya pero hindi. Nakatitig lang siya sa akin lalo na sa labi ko. “Wala akong ex, minamahal ng sobra meron,” aniya. Ibig sabihin ay si Ate Alex na talaga ang una at huli niyang mamahalin? Napakaswerte naman talaga ng kapatid ko. May isang lalakeng sobrang nagmamahal sa kanya. Nahigit ko ang hininga ko ng isandal niya ako sa pader ng pool. Hanggang bewang na ang sukat ng tubig. Kaya ko pa naman ito dahil mababaw lang naman. “Who are you really, Alex..” he huskily asked to me. Ano bang ibig niyang sabihin? Habol rin ang hininga niya at naging sunod-sunod na rin ang paggalaw ng adams apple niya na para bang may nilulunok pero wala namang kinakain. “What question is that? I’m your wife, right?” Usually, ito lang naman palagi ang sagot ko sa kanya. “I know that you are my wife, But why does something seem strange?” “A-ano bang ibig mong sabihin?” Nagsimula ng kabahan ang dibdib ko. “I have strange feelings for you. I know I loved you before, but why does it feel different now? It feels like I'm even more afraid of losing you.” “W-what do you mean? Hindi naman ako mawawala sa’yo, ah?” Sinabayan ko ng ngiti ngunit grabe na yung pagkabog ng dibdib ko. Habang sobrang lapit namin sa isa’t isa ay grabe na din ang kabog ng dibdib ko. As in sobrang lakas na at sa tingin ko ay naririnig na rin niya ang malakas na pagtibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na siya nagsalita. Hinaplos niya ang aking pisngi.. sa liit ng mukha ko ay sakop na sakop ng kamay niya ito. At wala na akong nagawa ng unti-unti na niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko, kasabay ng paglapat ng labi niya sa labi ko. This time, napapikit na ako at masuyong tinugon ang halik niyang mas lalong nakapagpabilis ng t***k ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ito kaya bago ito sa akin. Am I inlove with him now? Am I really falling inlove with him? Pero hindi pwede.. Hindi pwedeng ma-inlove ako sa asawa ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD