Chapter 1

1331 Words
Naalimpungatan ako ng may marinig akong kaluskos sa aking silid. Pupungas-pungas akong bumangon habang kinukusot-kusot ko pa ang aking mga mata ng may malabong hugis tao akong nakita. Nang unti-unting luminaw ang paningin ko ay saka ko lang nasilayan ang aking kapatid. "A-ate? Bakit narito ka sa silid ko? At saka bakit kinukuha mo ang mga damit ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "This is none of your business!" Pagalit na sagot niya. Napakunot naman ang noo ko. "Teka? Saan mo dadalhin ang mga damit ko? Bakit may maleta ka? Aalis ka ba? Hindi ba't bukas na ang kasal mo?" "Pwede bang huwag kang maingay, Sandra? At sinong nagsabi na magpapakasal ako?" Aniya. Halos inubos niya ang laman ng cabinet ko at pagkatapos ay isinarado na niya ang kanyang maleta. "Pero, diba ate, boyfriend mo yun kaya ipinagkasundo ka na rin nina Daddy?" "Oo pero hindi pa ako handang magpakasal! Gusto ko pang ma-enjoy ang buhay dalaga ko!" Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso niya kaya naman ang sama ng tingin niya sa akin. "Ate--" "Sandra? Kapag hindi mo ako binitawan, masasaktan ka sa'kin!" "Ate... h-hindi pwede... ang kumpanya ni Daddy--" "Wala akong pakialam kung ma-bankrupt ang kumpanya ni Daddy! At isa pa, nandyan ka naman! Iisa lang naman ang mukha natin kaya ikaw na lang ang magpakasal sa kanya!" "Pero, Ate Alex, hindi naman yata pwede yan! Isa pa, boyfriend mo si Hans diba? Hindi ka ba natutuwa na ikakasal ka sa taong mahal mo?" Napatingin ako sa braso niya ng iwaksi niya ang pagkakahawak ko sa kanya. "Mahal? Nagpapatawa ka ba? Kung walang pera yun at hindi niya naiibigay ang lahat ng gusto ko ay hindi ko naman siya papatusin! Dyan ka na nga! Ikaw na ang bahala sa kasal ko bukas!" Itinulak niya ako. Natumba ako kaya hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Pagkalabas niya ng kwarto ko ay nagmamadaling isinarado niya agad ang pintuan. Biglang nawala ang antok ko! Nang makabawi ako ay mabilis akong tumayo at nagmamadaling hinabol si Ate Alex, ngunit paglabas ko ng pintuan ay narinig ko na agad ang mabilis na patakbo niya sa kanyang sasakyan! Anong gagawin ko? Wala na akong ibang naisip kundi ang puntahan sina mommy at daddy, kaya naman kumatok ako ng malakas sa pintuan nila! "Mommy! Daddy!" Halos hindi mapakaling tawag ko sa kanila mula sa harapan ng kanilang pintuan. Mga ilang minuto pa bago nila binuksan ang pinto kaya naman alam kong malayo na ang narating ni Ate Alex. "Oh, Sandra? Bakit gising ka pa? May nangyari ba?" Humahangos pa na tanong ni Daddy. Si Mommy naman ay nagsusuot pa ng bathrobe niya saka lumapit rin sa akin. "Anak? May problema ba?" Ani mommy na nag-aalala na rin sa akin. "S-si Ate Alex, po... u-umalis--" saad ko. Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na agad si mommy. "Umalis? Saan naman nagpunta?" "D-dala po niya ang kanyang maleta. Ayaw daw po niyang magpakasal." "Ano?!" At nagulantang ako sa lakas ng boses ni Daddy. "Efren... Paano na ang kumpanya natin..." ani mommy na bakas ang pag-aalala sa boses at halos manghina sa kinatatayuan niya. "Hindi pwede! Kailangan kong mahanap si Alex bago mag-umaga!" Ani Daddy! Nagmamadali siyang bumalik ulit sa kwarto at paglabas niya ay dala na niya ang kanyang jacket at susi ng kanyang sasakyan. "Sasama ako!" Ani mommy. "Hindi na. Kailangan ka dito. Hindi pwedeng hindi matutuloy ang kasal nila dahil mawawala ang pinaghirapan natin ng maraming taon, Vienna." "Mag-iingat ka, Efren..." Napahawak na lang sa braso ko si Mommy habang nakatanaw sa pag-alis ni Daddy. Dalangin ko rin ay mahanap niya si Ate Alex at maibalik rito bago magsimula ang kasal dahil kahit ako ay ayaw ko pa rin magpakasal. Lalong-lalo na sa Hans na yun. Kambal kami ni Ate Alex. Mas nauna daw na lumabas si Ate kesa sa akin kaya siya na ang itinuring kong panganay na kapatid ko. Mas matured nga lang si Ate pagdating sa pakikipagrelasyon kaya mas marami na siyang karanasan kesa sa akin pagdating sa pakikipagrelasyon. Sakitin si Ate kaya naman nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Kada hihingi siya kay Daddy ay ibinibigay agad sa kanya. Pinag-aral nga ako ni Daddy sa abroad ngunit siya ay hindi dahil ayaw niya kaya walang nagawa si Daddy. Ako naman, kahit ayaw ko ay pinilit ako ni Daddy kaya wala akong nagawa. Hindi maalis sa puso ko ang inggit sa kanya noon dahil feeling ko ay mas mahal siya ng mga magulang namin ngunit kalaunan ay natanggap ko na rin na hindi talaga kami pareho ng kapalaran. Umuwi lang naman ako dahil sa magiging kasal niya at balak ko na ulit bumalik ng America pagkatapos ng kasal niya. Wala akong balak na mag-stay dito dahil doon na ako nasanay, isa pa, nandun ang trabaho ko. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag hindi nahanap ng daddy mo ang ate Alex mo, Sandra..." hinaing ni mommy sa tabi ko. Hindi naman muna ako umimik at hinatid ko na lang muna ulit siya papasok ng silid niya. Pagkaupo ko sa kanya ay binigyan ko siya ng tubig para naman kumalma muna siya saka ako umupo sa tabi niya. "Wala na po bang ibang paraan? Hindi na po ba talaga makakabangon ang kumpanya kapag hindi tayo tinulungan ni Hans?" Umiling si mommy. "Wala na, anak. Nangako kasi si Hans na magbibigay siya ng 50% shares sa kumpanya natin once na makasal na sila ng Ate mo. Alam ko naman na may relasyon sila kaya pumayag na rin kami ng daddy mo, ngunit hindi ko inaasahan na magba-back out ang Ate mo kung kelan malapit na ang kasal at bukas na yun, hindi, mamaya ng umaga." Alam kong labis-labis ang pag-aalala ni Mommy. Ramdam ko rin na hindi siya mapakali at tila ba nanlalamig na agad ang kanyang palad. Sinamahan ko si mommy at hindi siya iniwan hanggang sa makauwi si Daddy. Atat kaming tumayong dalawa at agad naming sinalubong si Daddy pagkarating nito. Nang bumaba siya sa sasakyan ay nakatingin agad ako sa pintuan. Hinihintay kong may isa pang lalabas ngunit wala. "Daddy? Si Ate Alex po?" Nag-aalalang tanong ko. "Hindi ko nahanap ang Ate mo. Pero may nagsabi sa akin na nakaalis na raw siya at nakasakay na ng eroplano. Umalis na ang Ate mo, Sandra, gamit pa ang pangalan at passport mo." "P-po?! Pero bakit ginawa ni Ate yun?" Gilalas ko at hindi makapaniwala. Kaya pala nasa kwarto ko siya at hinalungkat ang lahat ng gamit ko dahil yun pala ang balak niya. Halos matumba naman si mommy sa gilid ko kaya naman mabilis ko siyang inalalayan. "Vienna, lakasan mo ang loob mo," ani Daddy. "Pero, Efren, ito na ang simula ng pagbagsak ng kumpanya natin." Naiiyak ng sabi ni mommy. Ngunit napakunot ang noo ko ng biglang tumingin sa akin si Daddy, at nagulat ako ng bigla pa siyang lumuhod mismo sa harapan ko. "Sandra, alam kong kalabisan ang hinihingi ko sa'yo, anak. Pero pwede bang ikaw muna ang pumalit sa ate mo hanggang makabalik lang siya?" "D-daddy, ano pong ibig nyong sabihin?" Naguguluhang saad ko. Naiintindihan ko ang nais niya ngunit anong ibig sabihin niya sa hanggang makabalik lang si Ate Alex? "Ipinapangako ko, anak. Kapag bumalik ang ate mo ay siya ang magiging asawa ni Hans. Makakalaya ka at makakabalik sa dati mong buhay, kaya please, para sa kumpanya natin ay ikaw muna ang pumalit sa Ate Alex mo." Natigilan ako. Yun pala ang ibig sabihin ni Daddy. Pero paano naman ako? Paano ang buhay ko? Paano kung hindi na talaga bumalik si Ate Alex? Napatingin ako kay Mommy na tila naaawa din ngunit hindi naman nagsasalita. I had no choice. Ito naman palagi ang papel ko eh. Ang sumalo sa lahat ng problema ni Ate Alex. "S-sige, daddy, pero hindi ko maipapangako kung hanggang kailan ko kakayanin ang makisama kay Hans Montesilva." Salitang iniwan ko bago ako umalis at muling bumalik sa silid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD