Revelation: She's the devil in disguise.
Karmy's Point of View
Kahit malayo ay amoy na amoy ko ang pamilyar na bango ng dugo. Hindi ko na kailangang makiusyoso. Edi may patay sa cr pakebels ko ba? Akmang tatalikod na sana ako nang mahagip ko ng dinig ang sinabi ng isang estudyante.
"Okay ka lang girl?"
Malamang hindi, nagsusuka yang kaibigan mo ey.
"Ano ba ang nandoon? May sumigaw na may patay daw?"
"Oo may nakabigting babae sa second cubicle."
"What the eff!"
Napalingon ako sa mga nag-uusap nang sabihin niyang nakabigti ang patay sa loob ng cr.
"Ano?" Sabay na napalingon ang dalawa sa akin. As useless ay ngumiti naman ako sa dalawa at linapitan sila.
"Nagbigti ba talaga?" Kumpirma ko sa aking narinig. Tumango naman 'yong isa na nagtataka sa pagiging feeling close ko.
"Baka 'di kinaya ang problema kaya nagbigti?" Saad naman nung isa sa kanyang kaibigan.
"Move! Move aside!" Sabay na dumating school security pati ang mga faculty members which means kasama si bossing na nangunguna yata sa mga security. Uy, brave soul si bossing ah.
Hindi muna ako nakialam total wala naman talaga akong dapat gawin at baka masapak ako ni bheshy. Sumandal ako sa dingding ng hallway at inobserbahan ang mga taong nagkakagulo.
May mga pilit na nakikisiksik para lang makita yung nasa loob ng cr pero dahil may mga security na ay hindi na sila nakakapasok dito. Mga kaibigan yata ng namatay ang mga nagsiiyakan. Ay teka, bakit pamilyar ang mga mukha nito?
Recall recall recall, tama! Sila yung mga classmates ko! Ang ibig sabihin ba ay classmate ko rin ang namatay? Kung oo, sino?
Para namang may nakarinig sa tanong ko sa aking isipan, inilabas na ang bangkay kaso may tabon ito sa katawan. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang relos na nasa nakalaykay na kamay nito.
"Gosh I can't believe it! Parang kanina lang nag-aaway sila ni Jian." May isa na namang babae na classmate ko rin ang nagsalita sa tabi ko kasama ang barkada niya. Kaya pala nangunguna si bossing sa rumespundi kanina dahil estudyante niya pala ang nasa loob ng cr.
"Wait, baka nagbigti si Artemis dahil sa kahihiyan?" Tanong nung isa. Ah so Artemis pala ang name ng girl kanina.
"I dunno, pero ngayon na lang ba siya mahihiya eh halos lahat sa atin ay nabiktima na niya sa pagnanakaw."
"I know right may sakit yata siya noh sa pagnanakaw."
Naghagikgikan naman ang dalawa.
"So it means, malaya na si Dustin?"
Sino namang Dustin?
"Chance mo na'to girl!"
"Shut up! Marinig ka ni Irah d'yan."
Oh, sino na naman si Irah? Dami atang sangkot sa buhay ng Artemis na ito ah. Hays, bakit ba ako nakinig sa kabalbalan ng dalawang babaeng 'yon! 'Yan tuloy na curios na tuloy ako. Umalis na ako doon. Nagsimula na ring magsipulasan ang mga tao sa labas ng crime scene kaso may mga security pa ring nakabantay. Pinili kong umalis muna at maghanap ng impormasyon.
Kesa sa makinig sa tsismis ay sa isang reliable source ako maghahanap. Internet, napag-alaman kong may school page sila sa f*******: kaya ang ginawa ko ay pumasok ako sa isang cr sa south wing. Dahil sa mga cr lang naman walang cctv camera at dahil magkatabi lang naman ang pinto ng girls at boys cr ay may mga nangbubuskang mga lalaki sa hitsura ko.
Pumasok ako sa isang cubicle at kinuha ang gadget na nakatago sa ilalim ng aking padding. May maliit na satellite connector din ako kaya solo ko ang lahat ng impormasyon plus hindi pa matetrace ang data base ko.
Nang maka connect ay agad kong sinearch ang 'Dustin and Artemis' at almost two thousand posts ang lumabas. At puro pangbabash kay Artemis dahil daw binablack mail niya si Dustin na isa palang heartthrob upang hindi siya hiwalayan. So boyfriend niya pala itong Dustin. Ey sino si Irah?
Pinalitan ko ng 'Irah and Dustin' ang sinearch ko at ang lumabas ay ang mga post at shares na may secret relation daw ang dalawa. Paano naging sekreto ey kalat na nga sa social media? Hay naku.
Okay! Sapat na ang nalaman ko para makilala ko ng pahapyaw sina Irah at Dustin. Lumabas na ako ng cr na parang wala lang nang may napansin ako.
"Sabi ko na nga ba ey." Tinahak ko ang daan papuntang north wing cr. Maliit na lang ang mga nakikiusyoso na kinakausap ang gwardya.
Mabilis at parang wala lang na nilagpasan ko ang yellow tape at pumasok ako sa crime scene. Mga tanga naman at wala talagang nakapansin sa'kin. Talk about security nga naman.
Sa pagpasok ko ay bumungad na naman ang amoy ng dugo. Inobserbahan ko ang paligid. Malinis at walang kagulo gulo 'yon nga lang ay may pising nakabitay sa tapat ng pangalawang cubicle. Kung tama ang hinala ko, hindi kapanipaniwalang may nangyaring krimen sa lugar na ito. Walang panlalabang nakikita dahil walang nagulo.
Madaling isipin ng mga taong walang sixth sense na isang suicide ang lahat pero may naamoy akong dugo. Kung nagsuicide siya bakit may dugo? Nasugatan ba siya? Hindi naman dugo sa napkin ang naaamoy ko noh.
Tiningnan ko ang cubicle na pinangyarihan ng 'suicide' niya at walang dugo. Inisa isa ko ang lahat ng cubicle pati mga basurahan ay wala. Dapat andito lang 'yon eh.
Hindi ako naniniwalang si Artemis Falco ay nagsuicide pero hangga't walang matibay na ibedensyang magtuturo na hindi suicide kundi homicide ang nangyayari ay walang maniniwala sa akin.
"No choice." Ginamit ko ulit ang sixth sense at iisang lugar ang tinutumbok ng amoy. Oo nga, bakit ko ba nakalimutang tingnan ang lugar na 'yon? Ang bintana! Agad akong umakyat sa isang cubicle at tinanaw kung ano ang meron sa bintana nang makita ko ang takip ng isang inidoro na may maliit na bahagi lang ng dugo na itinapon sa labas ng cr.
Teka. Malinis na crime scene, pisi at isang bagay na may maliit na bahagi lang na may dugo. Tila nahulog ako sa malalim na pag-iisap. Iniimagine ko ang nangyari kung posible ba.
Mabilis akong tumakbo sa labas ng cr at papunta sa south wing cr. May napansin ako kanina doon at ngayon ay may konekta 'yon sa pangyayari. Mabuti na lang at nakatalikod ang security at busy sa pagkain.
Nang dumating ako sa south wing cr, walang pakialam sa iba na tiningnan ko ang bagay na 'yon.
Tama nga ang hinala ko, hindi ito suicide kundi isang murder!
Ang tanong, sa dami ng may galit sa babaeng ito. Sino ang pumatay?